>

“Kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo. Hindi yung parang nag-upload ka ng picture sa friendster, tapos ipa-private mo lang pala.”

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitiis at paghihirap sa state of boredom brought about by my pagiging “Bum-bay” (Bum na Tambay) when I received the above written text message from a good friend na mahilig mag-forward ng mga inspirational quotes.

Alright, isang disclaimer. This is not an inspirational nor a nakakakilig na article about the ever problematic issue about love or yung medyo sinauna at corny (na nowadays) na plot ng mga love stories na hindi agad sinasabi nung isang party ang nararamdaman niya hanggang sa magsisi at maging Emo na siya hanggang huli.

Isa itong artikulo para doon sa mga mayroong private photos sa friendster. Isang paglalabas ng saloobin, opinion, at kuro-kuro ng isang manunulat doon sa mga nag-a-upload ng photos nila sa friendster, tapos ay gagawin naman itong private album.

Una sa lahat, hindi ko maintindihan at lubos na maunawaan kung ano ang saysay ng paglalagay ng private photos sa friendster. Mag-a-upload ng picture tapos itatago din lang naman pala at gagawing private property. Eh bakit pa in-upload? Kalokohan.

Bakit nga ba mayroong mga nagpa-private ng kanilang mga photos? Here are some of the justifications noong mga users na mayroong mga private photos sa friendster at ang mga argumento ko against the stuff.

1. “Ako lang naman ang makakakita nung mga pictures.” Iyon na nga ang punto. Ikaw lang naman ang makakakita ng mga pictures mo, in-upload mo pa sa mga social network sites. Kung gusto mo din lang naman na gawing pribado ang mga larawan mo, maraming paraan para diyan.

Una, puwede mo naming ipa-develop yung mga pictures mo at ilagay sa isang photo album. At para mas cool, gawin mo itong scrapbook style. Lagyan mo ng mga captions at add-ons na mga designs. Be creative. Ilabas ang iyong pagiging malikhain at masining

Pero kung nais mo talagang ”tattooed on my mind” ang picture sa iyo, e di ipa-tattoo mo sa pribadong parte ng katawan mo yung pinakapaborito mong picture. Ikaw na ang palaging nakakakita, palagian pa. May pinsan akong tattoo artist, magaling yun, baka matulungan ka niya.

2. “Yung mga close friends at partner (i.e. boyfriend, girlfriend, ka-M.U., Fubu, BFF) ko lang naman ang makakakita nun.” Ito ang kadalasang ginagawa ng mga may private photos. Naglalagay sila ng mga private photos tapos chosen few lamang ang may access na makakita. Inilagay pa sa friendster. Nakakaloko ano?

Paano naman yung mga kaibigan mo, or kahit kakilala na medyo ka-close mo na hindi mo binibigyan ng access sa mga private photos mo, baka magtampo yung mga yun? Sabihin pa ay masyado kang malihim at choosy.

Kung gusto mo din lang naman na chosen few ang makakakita ng mga pictures mo, may maganda at thoughtful na paraan diyan. Ipa-develop mo na lang yung mga pictures na para sa mga nasa “inner circle” ng buhay mo, lagyan mo ng dedication at makabagbag-damdaming mensahe sa likod at voila! May instant postcard ka na. Or kung maramihan yung mga pictures, gawin mong video na may audio bed ng theme song ninyo, i-burn mo sa CD, at ipamigay mo! At kung di ka talaga makatiis, i-upload mo yung video sa You Tube, malay mop, sumikat ka pa. Baka mainggit pa yung echosera mong kaklase or katrabaho na palaging insecure sa iyo dahil madami kang tunay na kaibigan – at maganda or guwapong partner.

3. “Doon ko inilalagay ‘yung mga personal pictures ko” Heto ang malma. Ginagawang hard drive / flash drive ang friendster. Siguro ay walang sariling computer at suki ng mga internet café. Wala rin sigurong sariling flash drive / mobile disk (mas kilala sa alias na USB) na kahit 256MB. Mura na ngayon, wala pang 300php ay may 2GB ka na. Pero ang siste, ginagawang storage device ang friendster.

Sa hirap ng buhay ngayon, kahit pa sabihing mura na ang magkaroon ng sariling computer at internet sa bahay, hindi pa rin lahat ay kayang maka-afford nito. May ibang mga bagay kasi ang mas priority na inuuna sa bahay.

May mas magandang solusyon diyan para sa mga ginagawang storage device ang friendster. Try ninyong pumunta dun sa site na http://www.filefactory.com. Ito yung site na para ka na ding may storage device sa net (yaman din lamang na sa net din naman naka-save yung mga pinakatatago mong mga pictures). Just create your own account and presto! Kahit yung mga downloaded mong mga kanta at videos ay puwedeng ilagay dun. At para sa mas mataas na memory, puwede kang mag-upgrade into premium account. Hamak na mas marami kang puwedeng ilagay dun kumpara sa privatized album mo sa friendster.

4. “Doon naka-post yung mga pictures na ginrab (i.e. past tense ng “grab”) ko sa iba.” Isa ito sa mga paboritng gawin ng mga alipin ng friendster. Ang pag-grab ng picture ng may picture mula sa ibang mga users. Dalawa ang general na uri ng pang-ga-grab ng picture. Permitted at nakaw.

Permitted grab yung ginagawa nung mga users na may pahintulot ng iba (eh ano pa?!). Halimbawa na sa isang barkadahan, isa lang ang may digital camera, i-a-upload na lang niya lahat ang pictures at bahala na ang iba na mag-grab ng pictures na gusto nila. Yung pangalawa ay kalimitang ginagawa ng mga stalkers at nung mga taong patay na patay ang pagka-crush sa isang tao (ouch!). minsan, gina-grab nila ng walang pahintulot ang picture na gusto nila, tapos ilalagay sa private album.

Isang malaking kalokohan. May ebidensya pa rin yun. Nakikita doon sa “Who’s grabbed me” ang sinumang nang-harbat ng mga pictures, may pahintulot man o wala. Para doon sa mga mahilig magnakaw ng picture ng iba (ouch ulit!), may mas madaling paraan diyan. I-right click niyo na lang yung desired picture niyo, then click “save picture as” at i-save doon sa flashdrive mo (or sa filefactory.com). Isang uri ng pagnanakaw na walang (masyadong) bakas ng ebidensya. Learn from the veteran.

5. “Secret ang content noon kaya naka-private.” Oo nga’t isinisikreto mo sa mga netizens kung ano man ang laman ng private album mo. Lahat tayo ay may karapatan sa pribadong pag-aari (pasensya nap o Kakang Marx). Pero the mere fact na “ipinapakalandakan” mo na meron kang sikreto (how ironical!), para na ring hindi sikreto yun at alam na ng madla sa internet na meron kang itinatago.

Ang pinaka-saysay kasi ng sikreto ay ang pagiging lihim nito. Ngayon, hindi na ito sikreto kung ipinapakalandakan mo na meron kang sikreto kahit hindi pa nila alam ang laman ng iyong sikreto. First stage kasi ng pagkakaalam ng sikreto ay kapag nalaman na iyon ay isang sikreto. Naintindihan mo? (Ang gulo ano? Kasing gulo ng pag-iisip ng mga naglalagay ng pribadong album sa friendster.).

Kung nais mo talaga itong maging lihim, why post it in the first place? Niloloko mo lang ang sarili mo. Sarilinin mo na lang.

Hindi ako nag-a-upload ng mga pictures para gawing private sa friendster. I do believe na kaya ina-upload ang isang bagay sa kahit anong site ay para ibahagi at ipakita ito sa mga netizens. Uploading pictures, videos, and blog entries are means of communication. It is by the means of these media na ipinapahayag, ipinapakita, at ibinabahagi natin ang ating mga sarili. In my opinion, nawawalan ng saysay ang intrinsic purpose ng pag-a-upload kapag ginagawa itong private.

Hindi kaila sa atin na madami din ang mga posers sa internet, madami ang mga nagpapanggap na ibang tao. At nagiging kapani-paniwala ito dahil sa dami ng mga personal pictures na nakalagay. Isa sa mga precautionary measures para hindi ka manakawan ng identity ay ang hindi pag-a-upload ng mga masyadong personal at napakaraming mga pictures. I-upload lamang yung mga nais mong ibahagi sa ibang tao. Yun naman talaga ang ang purpose ng pag-a-upload ng pictures

Kung hindi naman talaga maiiwasan, gawing private ang profile at i-accept lamang ang talagang mga kakilalang tao. Sa ganitong paraan, maiiwasan kahit papaano ang mga posers na nagnanakaw ng iyong identity. Pero prevention is always better than cure. Mas mabuti na siguro kung hindi mo i-a-upload yung mga pictures na ayaw mong pag-pyestahan ng iba.

Huwag mo ng gayahin si Aiko Climaco ng ASF Dancers (ng kultong Wowowee). Kung kanya nga talaga yung isang account sa friendster (or baka sa isang poser), nakalagay doon na “Sa mga ka-friends ko, please, wag niyong kunin ang mga pictures ko.” Inilagay pa niya doon. Alam naman niya (I suppose) na nakabuyangyang sa mga netizens ang pictures niya doon. Kahit pa lagyan niya ng ganoong mensahe, meron pa ring mga taong hindi mapigilan ng pangunguha ng pictures ng iba. Cute kasi siya eh. Hello po Ate Aiko…hihi!

Isang matalinong sagot ang natanggap ko nang magtanong ako sa mga kaibigan at textmates ko kung bakit may mga naka-private photos sa friendster: Anong pakialam mo? Friendster ko ‘to!

Matalinong sagot. Oo nga naman. Kanya-kanya tayo. Para doon sa mga hindi natuwa at sa mga medyo na-offend (sila siguro yung mga sandamakmak ang private photos sa friendster), heto lang ang masasabi ko.

Isa lamang akong manunulat na nagpapahayag ng aking opinion at saloobin. May kalayaan ang bawat isa na pumili ng kanyang kasiyahan. Isa pa, anong pakialam mo? Blog ko ‘to! Kung ayaw mo, gumawa ka ng sa iyo. Hahaha! Kapayapaan at pag-ibig para sa ating lahat! Padayon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s