>Ang Istorya sa Likod ng Istorya ng Pagpapatalsik sa Akin (Isang Interview)

>Ang sumusunod ay isang panayam ng isang mapagpanggap na yuppie na itago na lang daw sa pangalang Superproxy (mas sosyal daw na palayaw sa tunay niyang alias na Super Procopio) sa isang [dating] seminaristang nagngangalang John Emmanuel Ebora na “napalabas” sa seminaryo.

Binibigyan nitong linaw ang istorya sa likod ng istorya sa eviction niya sa seminaryo. Heto ang transcript ng kaniyang panayam habang sila ay nagwawasakan sa ilalim ng cosmos at ng mga stars. Read on!

Kumusta ka ngayon?

>>Masyadong generic ang tanong mo. Dalawa lang ang possible na sagot diyan. Mabuti at hindi mabuti. Wala na bang ibang pambungad na pagbati at pakikipanayam?

O sige, heto na lang, musta na u?

>> Ok lang me. Hahaha! Patay tayo diyan. Na-bobo na dahil sa pagte-text , panonood ng Wowowee at kay Kris aquino. Unti-unti ng pinapatay ang wikang Noypi. Seryoso tayo dude.

Madaming makakabasa ng transcript ng panayam mo.

Ganoon ba? Oo nga, nakakabobo ang pagtetext at panonood ng Wowowee. Sige. Diretsahan tayo. Masyadong mahaba iyong artikulo mo ng istorya ng pagpataw sa’yo ng dalawang taong supplementary regency ng mga pari, o ang “pagpapalabas” sa iyo sa seminaryo, in a sentence or two, sabihin mo kung bakit ka “pinalabas.”

>> Magandang katanungan, para kang si Boy Abunda. Anyhoo, ganito: Mayroon akong mga liberal tendencies, na puwedeng maging liberal and in the extreme level, baka maging deviant kaya kailangan ko munang “ayusin” ang aking buhay sa labas ng seminaryo para mapunan ang mga pagkukulang. Kung medyo malabo sa inyo ay basahin niyo muna iyong kabuuan (in a way) ng istorya. Sa aking opinyon, ayaw nila sigurong mag-produce ng isa pang Fr. Robert Reyes. Cool na pari ‘yun pero hindi lahat ay tanggap siya.

Sinabi ng one sentence or two lang. Ang haba ng sagot mo!

>> See! Hindi kasi ako sumusunod palagi sa rules. Naniniwala akong “if you obey all the rules, you miss all the fun.” Nasa Reader’s digest yan! Hahaha! Pero seriously, kulang talaga ang isa o dalawang pangungusap para magpaliwanag. Kahit nabubuhay ako sa prinsipyong dapat ay straight to he point kapag nagpapaliwanag, yun na ang pinaka-crooked straight explanation ko.

Intrinsically impossible yung crooked straight!

>> Aba nga naman! Marunong ka ng metaphysics! Seminarista ka dati? Anyhoo, wag kang masyadong seryoso. Rhetorical form yun!

Ahh..ganun ba? Whatever. Paano ka lumaki sa bahay? Anong klaseng environment meron sa inyo?

>> Lumaki ako sa sosyal na tabing riles. Hindi iyong tipikal na tabing riles na tinitirahan ng mga hamapas lupang skwater sa na ipinapalabas sa telebisyon. Ang nanay ko ay relihiyosa at ang tatay ko ay medyo liberal, outspoken, at maangas ng konti. Siguro e mataas ang YQ niya o yung Yabang Quotient. Hehehe..

So yung personality mo, more of sa tatay mo nakuha?

Sabihin na nating ganoon nga. Namana ko sa tatay ko yung angas at yung mga medyo liberal na prinsipyo sa bahay.at saka siguro yung passion kong matuto sa mga bagay-bagay. Adik sa Discovery channel at National Geographic channel yun eh. Graduate yun ng peyups dito sa eLBi. Ekonomistang walang pera. Hahaha! Namana ko rin yung passion na matuto sa lolo ko, yung tatay ng nanay ko, si Lolo Uro. Madalas kaming manood ng sabay dati ng Knowledge Power ni Ernie Baron. Halos sa kanya din ako lumaki. Yun!

Bukod sa namana mo sa tatay mo, ano pa yung ibang mga “factors” para magkaroon ka ng mga ganyang pananaw sa buhay, para medyo maging kakaiba ka?

>> Noong bata pa ako e palagi akong nakatutok sa TV para manood ng mga paborito kong palabas na pambata. Bukod doon, namulat din ako na nanonood ng balita gabi-gabi. So iyon, maagang “namulat sa realidad.” Cool ano? May mga kakilala ako ngayon, college students at mga yuppies, walang alam sa current events. Yun ang wasak!

Wala namang ganyanan.

>>Bakit? Tinamaan ka? Hahaha! Adik!

Ako ang nagatatanong dito. So maaga kang na-expose sa realidad?

>>Sorry naman. Oo. Sa realidad at sa “ills of society.”

Di ba madaming mga kabataan na iyong ka-edad ang wala namang pakialam sa mga nangyayari?

>> Magandang follow-up question. Wala silang pakialam dahil maaaring busy sila sa DOTA, pakikipagrelasyon, party party mode, pagwawaldas ng pera ng magulang nila, makipagchat at mag-surf sa net. In other words, may iba silang pinagkakaabalahan. Pangalawa, marahil ay sa tingin nila, hindi naman sila apektado ng kung ano mang ka-lechehan sa lipunan.

Apektado ka? Ano ang ibig mong sabihin?

>> Medyo. Siguro ay yung mga walang pakialam ay mayaman at nakabili ng mga sariling mundo. Literally at figuratively, hindi ako, kami ganoong kayaman para makabili ng sariling mundo. “Nakikialam” ako dahil sawa na ako sa lintek na sistema.

Relax bro. Elaborate please. Medyo na-diagnose ako ng Bobonic Plague eh.

>> Ganun ba? Ok. Ganito. Ang mga magulang ko ay parehong mga empleyado ng Wasak na Republika ng Pilipinas. Aminin na nating maliit ang sinasahod nila bilang mga empleyado. Hindi sapat para kami ay pag-araling 3 magkakapatid, makabili ng mga basic needs, at siyempre, wala ng lugar para sa mga bonggang luho. Alam mo na naman siguro ang kahihinatnan kapag problema na sa pera ang pinag-uusapan. Madaming mga problema. Hindi ninyo siguro ako lubusang maiintindihan hangga’t hindi ninyo nararanasan ang aming mga pinagdadaanan.

Katulad ng mga libo-libong Pilipinong naghihirap, nag-ra-rally, nawawalan ng trabaho, at sawa na sa lintek na sistema, hinahanap ko ang pagbabago. Wag ninyo sanang isipin na pagbabago sa pamahalaan at palakad ng gobyerno ang hinanahanap ko. Ang hinahanap kong pagbabago ay ang “malawakang pagbabago.” Sounds too ambitious pero lahat ng mga “nagpabago sa undo” ay nagsimula bilang mga ambisosyo.

Waw! Puwede ka ng tumakbong politiko!

>> Actually ay nasa isip ko yan. May slogan na nga ako eh. “Ang sinimulan ko sa Bayan ng Diyos, Ipagpapatuloy ko sa Bayan ng Los Baños.” Panalo hindi ba? Hahaha!

Seryoso? Tatakbo ka sa 2010?

>> Adik! Malabo! Madami na ang gustong mag-initiate ng pagbabago, pero kinain ng sistema. Ganoon dito sa Pinas eh! At kung tatanungin mo ako kung may pag-asa pa ang Bansa natin, alamin mo muna kung may “potency” tayo para magkaroon ng “actuality.” Change is defined as a movement from potency to act.

Meron nga ba?

>> (Hindi umimik). Balik na lang tayo sa mismong topic ng intervew na ‘to puwede?

Oo nga naman. So iyon yung “background” at istorya sa likod ng iyong makulay na personalidad at pananaw sa buhay?

>>Oo ganoon nga. Pahabol lang. Medyo na-inspire din ako nung mapanood yung video ni Gang Badoy sa You Tube. Siya yung foundress at head ng Rock Ed Philippines, isa sa mga tinitingala kong institusyon. Kuha yun doon sa forum sa Ateneo, yung parang ang topic ay sort of pagbabago. Ang huling statement ni Gang ay, “sana, maging bokabularyo na rin ng bawat Pilipino ang mga katagang Bakit hindi?” Parang ganun.

Ah oo. Astig nga yang si Gang Badoy at yung show niya kasama si Lourd de Veyra sa NU 107, yung Rock Ed Radio.

>> Nakikinig ka rin?

Oo naman. Educational yun eh…

>> Tama ka. Alam mo bang mas naintindihan ko pa dun ang Taxation at Land Reform, pati ang dalawang magkasalungat na kampo sa Reproductive Health Bill kumpara sa professor ko. Hahaha! Peace! Tunay naman eh! Kung hindi ako nagkakamali ay endorsed yun ng CHED! Kung hindi man, dapat ay i-endorso yun.

Eh yung The Brewrats sa 99.5 RT?

>> Isa pa yun! Na-misintepret lang nang ibang tao, kahit sa loob ng seminaryo, na maingay, deviant, bastos, et cetera. Pero hindi, lalo na kapag guest tuwing lunes ang Dakila, isa ring NGO, sa kanilang Educational Monday. At educational talaga ang show na yun! Propesor at seryosong komedyante si Ramon Bautista sa UP, direktor si Angel Rivero, at henyong tibak at entrepreneur si Tado Jimenez.

Tama ka dun! So ibig mong sabihin, naka-impluwensya din sila sa’yo?

>> Tama ka dun. Malaki ang impluwensya nila. Pati dun sa show na Boys Night Out sa Magic 89.9. Boy radio ako eh! Doon ko natutunan yung ibang mga “jargons” na medyo double meaning at ginagamit ko sa pang-araw-araw na buhay. Na na-misintepret ng mga conservative at mga hindi kapareho ng pananaw at pag-iisip ko. Kaya iyon. Adyos Patria Adorada ang nangyari! Hahaha!

Ah, so karamihan talaga ng mga naiisip mong ideya, kalokohan, at pagpapatawa ay galing sa radyo?

>> Oo. Parang ganoon na nga. Marami-rami din. Naniniwala kasi akong “lesser evil” ang radyo kumpara sa TV eh. Ginagamit ko yun para magpatawa at magpaligaya. Pero, dahil cool ako, nawalan ng distinction sa ibang tao ang “serious side” at “comic side” ko. Lahat sineryoso! E di wasak! Kung Video killed the Radio Star sabi ng REM, ako naman e, Radio Star killed the seminary star! Hahaha! Joke lang!

May inspirasyon or influence ka ba sa hindi masyadong pagiging seryoso?

>> Actually meron. Sinabi niyang “Do not take life too seriously. After all, no one has come out of it alive.” Ang pangalan niya ay Bugs Bunny. Pero don’t take that too seriously ha? Alam ko naman ang distinction kung kailan magiging seryoso at nagpapatawa. Napapasobra lang minsan. Minsan lang naman…sana.

Wasak ka talaga! Ganun pala ang istorya sa likod ng istorya. Ngayon ay malinaw na sa akin.

>>Sana nga ay malinaw kong naipaliwanag sa iyo. Kune meron ka pang hindi maintindihan, puwede mong isingit mamaya sa later part ng panayam mo sa akin.

Sige. Dumako na tayo doon sa “eviction proper.”

>> Mabuti pa nga. Masyadong mahaba ang intro natin. Itong parte naman talagang ito ang pinaka-substance. Introduction lang yun para mas maintindihan.

Fire! Ano ang una mong reaksyon nung sabihin sayong papatawn ka ng dalawang taong supplementary regency?

>> Kahit expected ko na yun ng konti, konti lang, ay nagulat pa rin ako ng duper! Pero ang una kong naisip ay kung papaano sasabihin sa aking mga magulang lalo na, sa akong mga kaibigan, mga taga parokya, at mga taong umaasang ako ay tutuloy [kaagad] sa Theology. Iba kasi ang mindset ng ibang tao, kung ano-ano ang iniisip kapag ang seminarista ay lumabas o pinalabas ng seminaryo.

Bakit ganoon? At anu-ano iyong sa tingin mo ay iniisip nila?

>> Sabihin na lang natin na mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga seminarista, sa mga nagpapari. Huwag kang kokontra ha? Mga iniisip nila? Kesyo may girlfriend, pinilit lang ng magulang o ng benefactor para magpari, nakabuntis, yung mga ganun ba!

Grabe naman yun!

>>Sinabi mo pa. Pero hindi lahat ay ganun. May mga tunay na nakakaintindi. Yung ibang tao kasi ay walang pakialam sa amin eh.

Siguro nga. Anong mensahe mo doon sa mga taong, sabihin na nating, hindi masyadong nakakaintindi?

>> Mabuti at naitanong mo iyan. May ginawa akong artikulo tungkol diyan. Bisitahin niyo yung blog ko sa multiply, http://johnebora.multiply.com, entitled “Ang Paghahanap ng Tunay na Kaligayahan.” At kung may kopya kayo nung ubod ng lupit na The Prolegomenon, nandun din yun, ang title ay “The Pursuit of Happiness (Philosophy of Self discovery).”

Garapal ka din mag-promote ano?

>> Hindi naman masyado. Hindi magiging manunulat ang isang manunulat kung walang mambabasa. Tamang promotion lang dude.

Sige, bumalik tayo. Ano ang pakiramdam mo noon?

>> Bukod sa pagkabigla ng konti? Pakiramdam ko noon ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Seriously, that was the lowest, if not one of the lowest, and darkest moment of my life. Pakiramdam ko noon ay parang gusto ko ng sumuko. Na gusto ko ng umayaw. Masakit dahil kung kailang ayos na ang lahat at nakapagdesisyon ka na, saka pipigilan. Para bang, nakapag-impake ka na at nakapag-ipon ng shopping money para sa educational field trip niyo sa Mars, biglang sasabihin na hindi ka pala kasama.

Ano naman ang parang naging “consolation factor” para sa iyo?

>> To view things in a positive note. Ang dalawang taon ay hondi dalawang taon ng condemnation. Ito ay paanyaya sa paglago. It’s an opportunity for me to grow and to explore things and the real world. Walong taon din kasi ako sa seminaryo. Doon na kasi ako nag-aral noong High School. Tutal, bata pa naman ako, I’m just 19 years old, single and ready to mingle, magandang exposure ang dalawang taon.

Naniniwala kasi ako doon sa prinsipyo sa anger management na itinuro sa amin nung prof naming madre sa psych. Ang anger ay nakadepende lang sa pagtanggap natin sa sitwasyon. Sa buhay kasi, kahit pare-pareho ang dumating na condition at situation natin sa buhay, ang “kung ang magiging ano tayo” ay nakadepende pa rin sa atin.

Magandang kasagutan. Mukhang sanay na sanay kang magbigay ng recollection at talks ah? Parang nababasag tuloy yung “imahe” mo na sinasabing liberal at radical ka. Teka, radical ka ba talaga?

>> “I’m not a radical. I’ve got no point-of-view. I’m not a radical. And i’m just like you.” Kanta yan ng Hilera entitled Radical. Maganda ang video niyan! Hahaha!

Seryoso tayo. Hindi naman ako die-hard liberal at radical. May mga bagay na liberal ako at may mga bagay na konserbatibo ako. Halimbawa, liberal ako sa pagpapahayag ng aking mga saloobin ngunit pagdating sa utos ng simbahan, at doon sa mga natutunan kong bagay sa seminaryo, doon tayo magkakatalo. Conservative ako doon.

So hindi ka talaga radical to the extremity?

>> For the record, hindi. Pero dati ay na-engganyo ako ng konti sa mga ideolohiya ni Karl Marx at ng Komunismo. Siguro ay dala na rin ng aking pundasyon at ang medyo liberal na pag-aaral sa college. Madaming estudyante ang dumadaan diyan. Hindi lamang ako.

Oo nga. Madami akong dating kaklaseng ganyan dati lalo na yung mga nag-aaral sa unibersidad na may istatwang nakadipa.

>> Tama ka diyan. So naiintindihan mo rin ako?

Medyo. Bumalik tayo. Sa iyong opinion, justified ba ang “pagpapalabas” sa iyo?

>> To be honest, ang una kong naramdaman ay unjust at hindi justified, at alam iyan ng malalapit kong kaibigan sa loob at labas ng seminaryo. Nagkaroon kasi ng “exaggeration” sa mga akusasyon sa akin. Nawalan ng distinction yung biro at seryoso. Siguro ay kasalanan ko din. Hindi ko ipinakita ng bongga ang serious side ko. Nakilala kasi ako doon bilang easy-go-lucky, maloko, lax, at puro pagpapatawa at kalokohan.

Pero, nag-sink in din yung katotohanan na meron talagang mga issues sa saili ko na kailangan kong ayusin bago ako tumuloy sa Theology. Ibang lebel na kasi doon. Amoy Pari na ika nga.

Meron din akong konting hesityancy sa pagtuloy at iyon nga iyong mga “issues” sa aking sarili. Kung ano ka kasi noong seminarista ka, ganoon ka kapag naging pari ka na.

Any hard feelings sa mga nag-evict sayo? May balak ka bang gumanti?

>> Dude, tumingala ka. Ang ganda ng stars ano? Kapag nakikita ko iyong stars, naaalala ko iyong sinabi ni St. Francis de Sales na “It is better to be silent than to speak of truth without charity.” Magandang prinsipyo sa buhay yun! Try mong i-practice!

So silence means yes?

>> Non sequitur. It does not follow!

Sagutin mo na kasi…

>> Hard feelings? Wala naman masyado. May konti pero hindi naman to the point na magtatanim ng sama ng loob at gaganti. You see, thankful ako sa mga formators ko sa “pagpigil” sa akin. Bilang mga formators, may tiwala akong alam nila ang ginagawa nila. Thankful ako at kinakailangan nila akong pigilan dahil alam nilang kailangan ko munang ayusin ang sarili ko sa labas ng seminaryo. Thankful ako sa mga nag-evaluate sa akin dahil ang feedback ahould be taken in a positive note too. Feedbacks are necessary for improvement. Parang sa mga restaurant, humihingi sila ng feedback para ma-improve ang service nila.

Gaganti ako for what? Anong mangyayari sa akin? May mababago ba? Anong mapapala ko? Wala naman di ba? Damage has been done. Kung gaganti, mas lalaki pa ang damage. All I can say is my “muchas gratias” sa kanilang lahat. Mahal tayo ni Bro!

Naks! Playing safe ang sagot. Aminin mo ng Dark Chocolate mode ka.

>> Ang ganda ng stars ano?

Oo nga, maganda ang stars. Balik tayo. Any regrets if you have one?

>> Alam mo dude, may prinsipyo ako sa buhay na wala dapat regrets sa mga bagay na ginawa mo, dahil lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may purpose, kung hindi man natin makita ngayon ay sa hinaharap. Ang regrets lang sa buhay ay iyong mga bagay na hindi mo nagawa. Iyon naman ay sa akin lang, puwede mong gayahin, puwedeng hindi.

Ang regrets ko siguro ay hindi ko ipinakita ng duper iyong serious side ko. Yung tunay na ako, kung matatawag mong ganoon nga. Iilang tao lang kasi ang nakakakilala ng serious side ko, iilang tao ang nakakakita kapag ako ay mabait at seryoso. Iyon siguro ang regret ko. Pero yung regret na iyon ay yung not to the point na suicidal na. Sabi ko nga, eveything has a purpose, everything happens for a reason…we’ll understand it in God’s time.

Naks! Heto naman, are you going to modify your attitude just to please your mentors?

>> Yung dalawang taon sa labas ay panahon talaga ng modification. Sabi ko nga kanina, it is an opportunity for growth and somehow to “fix me.”

But dun sa tanong mo na to please my formators, hindi siguro. Bakit ko kailangan silang i-please? They sent me out hindi dahil sa hindi ako kalugod-lugod sa kanila. I will undergo some oil change and modification para sa akin, at para sa mga taong makakasalamuha ko sa hinaharap, kung saan man patungo.

Medyo may “nabangga” ka sa iyong pagsusulat. Magsusulat ka pa rin ba ng mga blogs/ articles about your beliefs/ opinions?

>>Ang pagsusulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Para sa akin, ito ang isa sa pinakamainam na paraan ng pakikipagtalastasan. Di ba sabi nga ni St. Francis, mas mabuti pang tumahimik kesa magsabi ka ng katotohanan na walang pagmamahal. Pero sinabi ni Jesus Christ na “The truth shall set you free.” Para sa akin, ang pagsusulat ay halfway between saying the truth and being charitable. Bilang mambabasa, may kalayaan kasi tayo kung babasahin natin o hindi ang isang artikulo.

Sinabi sa akin ni Father Rector na i-try ko daw ang ibang paraan ng pagsusulat. Yung hindi satirical at straightforward kagaya ng madalas kong ginagawa. I-expose ko daw ang aking sarili sa ibang authors. Maganda pero, let’s meet halfway. Susubukan kong magsulat gamit ang dalawang paraan. Sa susunod, para safe siguro, ay pipiliin ko ang audience at readers ng mga “obra” ko. Para kasi sa kin, ang nangyari ay “I am doing my thing at a wrong place.”

Do you consider yourself as a writer?

>> Hindi ako isang manunulat. Ipinapahayag ko lang ang aking saloobin at opinyon gamit ang dugo, pawis, hininga, laway at libag na siyang nag-iiwan ng marka sa papel.

Wow! Isa kang makata!

>>Hindi naman masyado! Actually, I suck in poetry! Hahaha!

Suck You? Me too! Hahaha! Balik tayo sa pagiging seryoso, does that “eviction” made you feel that you are not meant to be in the seminary?

>>Hindi naman. Sabi ko nga, ang supplementary regency ay ipinapataw doon sa malinaw ang atraksyon sa pagpapari at kailangang ayusin ang ilang issues sa buhay niya.

Isa pa, the mere fact na I survived for eight years in the seminary is already an answer. Magkaiba ang ”meant to be in the seminary” at “meant for the priesthood.”

Babalik ka pa ba sa pagpapari? Ipagpapatuloy mo ba ang iyong sinimulan?

>> Ganito, noong una kong nalaman ang desisyon sa akin, ang nasa isip ko kaagad ay babalik ako ng theology pagkatapos ng dalawang taon. Iyon lagi ang nasa isip ko, na babalik ako pagkatapos ng dalawang taon.

Noong nakausap ko ang Spiritual Director ko, si Fr. Daks Ramos, sinabi niya sa akin na huwag ko daw munang isipin iyon. Ang regency daw ay panahon din ng pagtitimbang kung ako ba talaga ay para sa pagpapari o hindi. Maaaring hindi na ako bumalik, maaaring hindi pagkatapos ng dalawang taon, maaaring bumalik pagkatapos ng dalawang taon.

Ganito, ang dalawang taon ay panahon din para timbangin kung para ba ako sa pagpapari talaga o hindi. Kung hindi makabalik, ayos din naman. Wala namang masama doon.

Ano ang ibig mong sabihin?

>> Para sa akin, life is basically a pursuit of happiness. Doon tayo pumupunta kung saan tayo maligaya, kung saan tayo masaya. Kung hindi ako makabalik, ibig sabihin ay natagpuan ko na ang kasiyahan na sa tingin ko ay akma sa akin.

Hindi maganda kung pipilitin ko ang aking sarili sa isang bagay na hindi naman ako masaya. Kung hindi ako makakabalik ng seminaryo, well and good. Hindi maganda na kapag pari na ako ay saka ko pa lamang “hahanapin o matatagpuan ang kasiyahan.”

Wala namang problema doon dahil lahat naman tayo ay naghahanap ng kanya-kanyang kasiyahan sa buhay. Sa bandang huli, iisa din naman ang ating pupuntahan. Ang bukal ng lahat ng kasiyahan. Doon naman ang goal nating lahat eh…

Ang lahat ng sinasabi kong ito ay nandun din sa artikulo na tinutukoy ko kanina.

Amen! Oo nga po. Siya nga po. Ngayon naman, what are the most common reactions of the people / significant others about your status?

>> Syempre, madami sa kanila ang nabigla. Kahit ako, sa sarili ko, ay medyo inaasahan ko na, sila kasi eh hindi. Iyong mga tunay na nakakakilala sa akin, sila ang nakakaalam ng “tunay” kong imahe. Yung other image bukod sa pagpapatawa, pagiging maloko, at pagiging suplado. Sila yung hindi nagpataklob doon sa isa ko pang ipinapakitang imahe – yung hindi masyadong seyoso na ako.

Sinabi mo kanina, at doon sa artikulo mo, na isa sa mga una mong naisip ay kung paano mo sasabihin sa iyong mga magulang.. paano mo ito ipinaalam sa kanila?

>> Simulan ko lang noong retreat namin. Noon kasing last day ay nandoon sila..pa-drama effect at salu-salo na rin. Natuwa sila nung nalaman nila kung ano ang desisyon ko. Sabi ko ay recommendation na lang ang hinihintay ko. Keribels daw sabi ni nanay. Hehehe..

Fast forward. Graduation noon. Isa sila sa mga unang dumating sa semniaryo. I decided na sa tatay ko muna sabihin para hindi hassle. Noong una ay akala niya e kung ano lang ang sasabihin ko. Noong sinabi ko na na walang paligoy-ligoy, bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Alam kong marami siyang katanungan noon pero di na siya masyadong umimik.

Pero da best iyong words of encouragement niya sa akin. Ganito: “I will find you a good job because i know that you are mosre deserving than me.”

Akala ko naman e nasabi na ng tatay ko sa nanay ko pagkatapos kong maligo, hindi pa rin pala. Sinabi ko din ng walang paligoy-ligoy. Iyon, gaya ng inaasahan ko, umiyak o napaluha si nanay. Sabay kiss ay yakapan. Akala siguro noong ibang tao na tears of joy dahil gumraduate na ako. Hehehe!

After nun, nag-martsa ako katabi nila at bakas sa mukha ng mga magulang ko ang kalungkutan. Iyon! Hehehe…

How sad naman!

>> Para kang bading! Hahaha! Pero oo, malungkot nga…

Ano ang plano mo after your “eviction”?

>> Plano? Magtatrabaho. Ang term kong ginagamit diyan ay “pagmimina ng kayamanan sa urban jungle.” Kung ano mang trabaho? Di ko pa alam. Babalitaan na lang kita, babalitaan ko na lang kayo. Pero rest assured, doon sa medyo wasak ang sahod. Be practical. May crisis ngayon. I think I can still make a difference pa din naman kahit saan pa ako mapapunta eh.

Plano ko din ang mag-post graduate studies. Tinitingnan ko ang UP Open University dito sa Los Baños. Siguro ay for practical reasons na rin. Para may “armas” ako kung hindi na makakabalik. What would you expect from a Philosophy Major graduate hindi ba?

May punto ka. Hindi praktikal at hindi ka yayaman sa philosophy eh…

>> Tama ka. Depende na lang kung may kumpanyang nagbabayad ng ikabubuhay para mag-isip at problemahin ang mga bagay na hindi naman dapat problemahin. Pero bomalabs yun! Hahaha!

Masaya ka ba sa ngayon?

>> Oo dahil alam kong may plano ang Diyos para sa akin. Maninibago lang siguro dahil walong taon din ako sa loob. Para ako ngayong isang ornamental fish na inilagay sa ocean, sabi yun ni kuya Lance na busy ngayon sa paghahanap ng mga pa-next at paglilingkod kay Mammon.

Maraming nagsasabi na mas masarap daw ang buhay sa loob at mas komportable. Pero iyon ngang mga taong.hindi nakaranas ng buhay seminaryo ay nakakahanap ng kasiyahan, ako pa kayang makakatikim ng dalawang uri ng buhay? Di ba?

Oo nga naman. Minsan kasi, kailangan nating mag-detatch sa comfort zone natin eh…

>> Exactly dude! Madaming tao ang “masaya” at “nasarapan” kahit wala sa seminaryo. Tayo ang gumuguhit ng atng kapalaran, kasarapan, at kaligayahan.

Ano ang mga natutunan mo? Any reflections?

>> The mere fact na ikinuwento ko ang aking istorya ko doon sa aking blog entry, at dumaldal ako ng dumaldal sa harapan mo, madami ka ng mapupulot.

Oo nga naman. Bago tayo magtapos, any message sa mga pipol?

>> Mahal tayo ng Diyos! We are the master of our universe with God as our source of strength ang guide. Pagnilayan niyo na alang ang meaning. Hehehe…

Any last word?

>> Last word or last words?

Pilosopo! Bahala ka!

>> Last word na lang. Padayon!

Padayon! Salamat dude sa pagpapaunlak mo sa panayam na ito.

>>You’re always welcome dude! Kung may iba pa silang tanong, i-post na lang nila! Yeah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s