>Confessions (This is not Augustine’s)

>I humbly admit that I am not that good in writing in English. I do have a difficulty and confusion on the proper and correct usage of verbs and prepositions. Perhaps, I didn’t pay too much attention on my English classes, or I had a traumatic experience with English professors a la terrorists (from elementary up to present); or it is only now that “I have learned how to write” because I was (completely and absolutely) rejected as a (frustrated) writer in the minor seminary. Whatever.

I will write this piece on the best language that many of our readers can understand and relate to. Nope, it is neither in pure English nor Filipino. I will write this in YOUR language and as informal as possible.

If I write in pure Filipino, I may sound too makata and makabayan (thanks RR for that!). Besides, there would be some parts that are better to be written in English – for the reason that there are no appropriate Filipino words to describe the message, its brevity and clarity.

I am hesitant to write in pure English for the reason that I am not that good in the language (as written above). There are also some parts and details that, if translated to English, may be lost in translation. Moreover, I may sound like a politician who speaks in English so that the illiterate, uneducated, the urban poor, and the masses will not (or will have a difficulty to) understand them, whose duty is to be identified with the word “corrupt and depraved” and whose job is to get kickbacks from government contracts and…enough! So much for that.

I will try my best to write as informal and as natural as I can. I think this is the best possible way to tell my story and kiss my own ass (that is so self-centered of me). This is my story, the lessons learned, the unforgettable experience. This is not just pure bragging and egocentricity, I hope that you can also learn from my experience.

I am a texter of the first order. I always feel like holding my cellular phone and texting day in and day out. I feel uneasy whenever I do not have a balance left on my prepaid account. I like to meet new textmates, mostly strangers or a friend of a friend. I joined the “text brigade” when Globe Telecom changed the rate of their unlimited texting (Bring it back to 50 pesos you greedy morons!). Hindi ako pabor sa desperadong panukala ng rehimen ng pandak at halang na pangulo na patawan ng tax ang mga text messages para isalba ang naghihingalong kalagayan ng ekonomiya ni Juan de la Cruz. I, together with million other cellphone-dependent Filipinos, make those giant telecommunication networks richer by biting into their bait of consumerism. Kami ang dahilan kung bakit minsang tinawag ang Pilipinas na “texting capital of the world.” Kung alam lang nila na mas malaki pa ang ginagamit na salapi at enerhiya sa cellphone kumpara sa perang dapat ilaan sa mga pinoy na walang makain. Nakakapanlumong isipin.

The Spice Girls once said “too much, is sometimes, that is bad.” Lahat ng bagay ay may certain limit na kapag lumampas ay maaaring magbunga ng mga disastrous (and sometimes unexpected) consequences. Dahil texter nga ako ng first order – sobrang adik at attached sa cellphone – ay sinubukan kong mag-smuggle ng cellphone sa loob ng seminaryo. Oo, mag-smuggle! Illegal na pagpupuslit ng cellphone sa loob ng seminaryo. Hindi ko na isasaad ang mga dahilan kung bakit bawal ang cellphone sa pormasyon – it will require another full length essay for that to be explained. Ang mahalaga ay malaman ninyong bawal, iligal, at hindi pinapayagan ang cellphone sa loob ng seminaryo (hindi ba pareho lang ang ibig sabihin ng mga ‘yun?)

Nakonsensya din naman ako nun at nagbalak akong (actually, kaming dalawa ni RR, may dala rin kasi siya) i-surrender ang cellphone ko (namin). Bakit hindi ko ginawa? Nanghihinayang kasi ako at hindi pa tapos ang unlimited ko! Ang ganda ng justification ko no? Nakadagdag na rin siguro yung pagiging solo ko sa kuwarto. Halos mapuyat ako gabi gabi sa pambobola at pakikipagkwentuhan ko sa mga “friends” ko. May mga pagkakataon pa ngang kapag wala akong magawa (at dahil unlimited nga) ay kaming dalawa ni RR ang magka-text – na nasa kabilang kuwarto lang. Astig di ba?

Paano kami nahuli? Up to this moment, I still do not have (and probably will never have) any concrete information kung paano kami nahuli – maaaring may nagtraydor sa amin o may high-tech na device ang mga pari na nakaka-detect ng mga cellphones within the seminary confines. High-tech kasi ang mga pari namin dito e. Mas nauna pa nga kaming nagkaroon ng wi-fi compared sa De La Salle-Lipa. Ang yabang ano?

Hapon noon ng December 10, 2007, katatapos lamang ng Christmas Party ng mga pari ng Archdiocese noon ng ipatawag ako ng rector, si Fr. Jesse. Sinabi niyang dalhin ko daw lahat ng mga gamit para dun sa ipinapagawa niyang seminarians’ handbook sa akin (na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos, na-corrupt kasi ang mga files sa computers namin.)

Pagpasok ko ng kuwarto niya ay pinaupo niya ako sa “hot seat” sa harap ng kanyang lamesa. Habang inihahanda ko ang mga materyales (ng handbook) ay tatawa-tawa na siya sa akin. And the inevitable happened. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at sabay sabing “Ikaw naman ay mature na. Sagutin mo ako ng diretso, gumagamit ka ba ng cellphone?” Hindi agad ako nakapag-salita. I am face to face with the HUMAN LIE DETECTOR, what would I say? Maaari akong tumanggi at gumawa ng napakaraming palusot (You know, I have already mastered the book of alibis in my almost seven years in the seminary). Alam kong alam na niya ang katotohanan kaya buong kababaang loob (Naks! Pasok!) kong inamin ang aking kasalanan. Sinamahan niya ako sa aking kuwarto at kinumpiska ang cellphone ko (na hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik).

Dahil sa sobrang tension ay hiindi ako mapakali sa loob ng kuwarto niya. Ikinuwento ko na lang kung bakit ako nagdala ng cellphone at itinanong kung ano ang sanction namin. Darating daw ang panahon na malalaman ko rin. Para mabawasan ang tension ko ay binigyan niya ako ng favorite niyang Yakult at isinama niya ako sa refectory para pakainin ng (sangkatutak) na puto bumbong. Hindi ko noon malasahan ang puto bumbong kahit anong dami ng asukal ang ilagay ko. Dahil alam niya ang nararamdaman ko (bukod kasi sa pagiging human lie detector ay meron din yata siyang spider senses), ay pabiro niyang sinabing: “Eborz, ganyan talaga ang pakiramdam ng bibitayin, hindi mo malasahan ang kinakain mo ano?” Napangiti na lang ako dahil alam kong tamang hakbang ang ginawa kong pag-amin sa aking pagkakamali.

Ano ang naging (mga) sanction namin? Binawian lang naman kami (kami dahil meron pa palang tatlong mga salarin na mga kaklase rin namin ni RR) ng sutana at hindi nakapag-bigay ng serbisyo (sa misa) for the whole of Christmas vacation (take note: Simbang Gabi at octave of Christmas) until January 23, 2008; delayed ang pag-uwi ng dalawang month end (January at February); pinaglinis ng mga maduduming monobloc chairs at mga pinutol na puno ng besprend naming si Godfrey (baka nga meron pa rin ngayong March); at hindi pa rin ibinabalik ang ma cellphone namin. Siguro, kapag naibalik na sa akin ng rector, ay saka ko pa lamang mababasa ang mga mensaheng kagaya ng “Merry Christmas and a Happy New Year” at “Happy Valentine’s Day.” It’s not yet too late, isn’t it? Pasko pa rin naman…ng pagkabuhay!

Masakit ang mawalan ng isang bagay na pinapahalagahan. Noong kami ay binawian ng sutana ay damang-dama ko ang panlulumo at panghihina ng kalooban. There is something in me in that cassock. Losing something which is of value is like losing your own self.

Hindi sana nangyari ‘yon, if, in the first place, ay hindi ko itinakas ang cellphone ko. Marahil, tama ngang nasa huli lagi ang pagsisisi (pero sabi ng kapatid kong seminarista na beadle ng minor seminary e mali daw ‘yon. Sa Misa daw e laging nasa umpisa ang pagsisisi. May punto nga naman siya.) 

Nagsisisi ba ako at inamin ko pa ang kasalanan ko? Dahil “nagmayabang ako para maging mababa ang loob?” Hindi. Konti siguro. Wala akong pinagsisisihan. No regrets ika nga. Dahil alam kong sa ginawa kong hakbang ay lalago ako bilang tao. May mga aral na natutunan. May mga karanasang hindi kailanman malilimutan. Ang pagsimula ng paglago at pag-Move on ay nasa pagtanggap ng kamalian at ng mga bagay na hindi maganda sa atin.

Marahil ay hinusgahan niyo ako bilang mayabang sa pagkukuwento ng “kababaang-loob” ko. Marahil ay itinuturing niyo ako bilang isang manunulat na humahalik sa sariling puwet at nagpuputong ng sariling korona sa (malaking) ulo. I can’t blame you. Ang akin lang ay sana’y naging ehemplo ako – upang tularan at di tularan.

Kung inaakala niyo na ang mga seminarista ay banal, mala-anghel, at di makabasag-pinggan, ay nagkakamali kayo. Mga tao rin kami – nagkakamali at nadudungisan. Pero sa kabila ng lahat ay pilit kaming bumabangon mula sa aming pagkakamali at magbagong buhay upang maging tagapaglingkod ng Nilalang na tunay na mababa ang loob. Kilala mo na kung sino Siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s