>Si Juan, Ang Doktor, Ang Burgis at si Lolo (Isang Dayalektiko)

>“Philosophy graduate ka? Anong maitutulong mo sa amin?”

Iyan ang mga katagang sinabi sa akin ng isang propesyonal na nakasama ko noon sa aking trabaho. Isa siyang doktor. Isang inirerespetong Doktor ng Medisina sa kaniyang larangan. Sa pakiramdam ko noon ay parang niyurakan ang aking pagkatao, act and potency. Kasama na ang pakiramdam na para na ring naging biktima ng medical malpractice ang mga comrades ko sa loob ng seminaryo na nagpapagal at nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng Pilosopiya.

Aminin na nating mga alipin at mga minsang naging alipin nina Frederick Copleston, Henri Renard, Paul Glenn, Samuel Enoch Stumpf at Vincent Potter. Nangangagat ang katotohanan. Limitado ang oportunidad para sa ating mga nagtapos ng Pilosopiya. Kung wala kang malakas na backer at hindi ka madiskarte sa paghahanap ng trabaho, kadalasan, teacher ng Pilosopiya at Teolohiya o Kolboy sa BPO Industry ang bagsak mo. Kolboy na babad sa radiation ng computer at nakikipagtalo sa mga foreigner sa telepono gamit ang fake American accent.

Matapos ang carefully-planned at well-executed na mutiny laban sa akin ng mga comrades at superiors ko sa seminaryo, hindi agad ako nakapaghanap ng trabaho. Bukod kasi sa aberya sa transcript of records ng batch namin, hindi agad nag-sink in sa akin ang mga bagay-bagay. Planado na kasi ang pagtuloy ko sa Theology Department ng Arsidiyosesis ng Lipa (Taga Diyoseis ng San Pablo ako). At kasagsagan noon ng global financial crisis, hassle maghanap ng trabaho.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sumama ang loob ko sa mga comrades at superiors ko. Pakiramdam ko noon ay para akong tinraydor ng aking mga kapatid at mga magulang. Na para akong itinakwil ng aking sariling Pamilya. Nilasing ako ng paniniwalang may mga taong traydor at magaling lamang kapag kaharap. Nilunod ako ng kaisipang biktima ako ng isang makabagong inkwisisyon ng simbahan.

Ngunit sa kabila noon, hindi ako nagtanim ng galit. Hindi ko sinubukang maghiganti a la Napoleon Bonapartre French Revolution-style o Ampatuan-flavored mass murder sa mga prayle at seminarista. Hindi nawala ang respeto at paggalang ko sa kanila. Dahil sa kabila ng lahat, nandoon pa din ang katotohanang mayroong pagkukulang at pagkakamali sa akin – na kailangan kong punuan at ayusin sa labas ng seminaryo. Na ginawa lamang nila ang kanilang parte bilang mga magulang at kapatid na nagtutuwid at nagdi-disiplina sa anak.

Respeto. Isang makatao at pang-taong ugali at gawain. Para lamang sa mga rational animals na pinagkalooban ng freedom at intellect. Kaugalian at gawaing ipinagkaloob lamang sa pinakamataas na uri ng nilalang – tao. Tao lang. Hindi kasama ang hayop. Hindi kasama ang mga irrational animals. Kaya’t ang mga katagang “Hayop Ka!” na sinasambit ng isang taong walang paggalang at respeto ay akma at may malalim na pakapahulugan.

Respeto. Sinasabing nagkakaroon lamang ng respeto kapag ganap na kilala ang isang tao. Kapag nagkaroon na ng koneksyon o kaya naman common ground sa pagitan ng dalawang indibidwal. Kapag na ng koneksyon at pagkakakilanlan, doon papasok ang tiwala. At kapag nabuo na ang tiwala, mabubuo ang respeto at paggalang. Maaari ding magkaroon ng respeto ang isang indibidwal sa mas nakakataas sa kanya. Ang empleyado sa kanyang bosing. Ang anak sa kanyang mga magulang. Ganyan ang respeto sa kontekstong pinaniniwalaan at tinatanggap ng lipunan. Ngunit hindi iyon ganap.

Sa paglabas ko ng seminaryo, mas namulat ako sa realidad ng buhay sa totoong mundo. Mas nakilala ko ang realidad ng buhay na malayo sa comfort zone ng seminaryo. Madami akong nakilalang mga tao na mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Naging libangan ko ang pagsusulat at pagba-blog ng mga bagay-bagay na aking nasasalubong sa isang araw. At ang madalas kong maisulat ay ang araw-araw kong karansan sa realidad ng marginalization ng mga burgis at dukha.

At ang isa sa hindi ko matanggap ay ang konsepto ng mga burgis ng “breeding.”

Breeding. Iyon daw ang distinction ng mga burgis sa masa. Ng may pinag-aralan sa mangmang. Ng sosyal sa jologs. Ng laking aircon sa mga hampas lupa. Wasak. Kung dati ay ginagamit lang ang salita sa besprend ng tao (read: anong breed ng aso niyo?), ngayon ay ginagamit na din sa tao.

Para bang gustong sabihin ng mga taong “may breeding” na askal ka, may lahi ako. Iyon ang hindi ko matanggap at lubos na maunawaan. Gamitin nating halimbawa ang mga aso. Lahat naman ng aso ay may breed. Ang totoong issue lang ay kung imported o lokal. Nakasanayan lang natin na kapag sinabing ang aso ay “may breed”, ang iniisip natin agad ay ang magagandang lahi na imported.

Hindi ako sumasang-ayon sa pahayag ng mga burgis ng “kulang sa breeding” ang mga tao sa ibaba nila. Lahat ng tao ay may breeding, iba-iba nga lang. Kung paanong inirerespeto at dapat nating respetuhin ang kultura ng iba, gayundin naman ang “upbringing” at kinalakahian ng isang tao. Pantay-pantay tayo mga matapobreng utak aso.

Lahat tayong mga tao ay nilikha ng pantay-pantay at pare-pareho. Pare-pareho tayong mga Homo Sapiens. Pare-parehong binubuo ng mga cells, tissues, at organs para maging isang tao. Pare-parehong may freedom at intellect. Pare-parehong mamamatay. Pare-parehong nasa iisang puwesto sa Tree of Porphyry. Lahat tayo ay pantay-pantay ng mga substantial, corporeal, sentient at rational animals.

Nandiyan ang katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao dahil sa yaman, pinag-aralan, at social status. Ngunit ang mga iyon ay aksidente lamang – maaaring andiyan, maaaring wala.
Magpasalamat ka kung isinilang ka sa may kayang pamilya. Kung niloob na paglaruan ng Cosmos ang tadhana, puwede kang isilang sa isang dukhang pamilya. O kaya isa sa miyembro ng mga tribo sa Africa. Chumamba ka lang. Tandaan mong isinilang tayong lahat na walang saplot. At kapag namatay ay mabubulok at kakainin din ng lupa.

Kung sa buhay mo ay wala kang respeto at paggalang sa kapwa mo tao, wala kang pinagkaiba sa hayop. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay hamak na mas mataas kumpara sa ibang tao, hindi ka tao. Itinuturing mo ang sarili mong Diyos. Hangal! Subukan nga natin ang kapangyarihan mo? Kung hindi mo naiisip na pantay-pantay tayo, ibigay mo na lang ang talinong ipinagkaloob sa iyo ng Lumikha. Sayang at hindi mo naman ginagamit.

Isinusulat ko ang artikulong ito sa malayo at bundok na Barangay ng De La Paz, Lungsod ng Batangas habang binabantayan ang aking lolo na iginupo ng stroke. Hindi man siya comatose, palagi siyang natutulog, hindi makapagsalita, ang pagkain ay ipinapadaan sa tubo, at kung huminga ay parang si Darth Vader – staggard at parang palaging nahihirapan. Kailangang palaging may nakabantay sa kanya dahil gusto niyang tanggalin ang tubo na dinadaanan ng kaniyang pagkain.

Nakakakilig at may kurot sa puso ang ginagawang pag-aalaga ng lola sa kaniyang asawa. Kinakausap. Nilalambing. Nililinisan. Pinapalitan ng diaper at damit. Kung minsan nga ay umaalis na lang ako sa tabi dahil baka hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha.

Nakakataba ng puso ang maya’t mayang dagsa ng mga taong dumadalaw. Bata, matanda, Thunder Cats, octogenarian, kamag-anak, kapitbahay, kakilala. Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagdalaw at pakikipagkuwentuhan, nakakabawas ng pagod at sakit na nararamdaman naming pamilya. Iyon bang simpleng pagdalaw at pakikiramay dahil minsang naging parte ang lolo sa kanilang buhay. (Balita ko pa nga’y may mga pulitikong dumalaw noong nasa ospital pa ang lolo. Kung kawanggawa man o political strategy na maituturing, hindi ko alam).

Ang mga taong iyon ay mga taga-bukid. Ang ilan ay High School lamang ang tinapos. Ang ilan ay pangingisda lamang at pagtatanim ang alam na ikabubuhay. Mga itinuturing na “lesser being” ng mga nasa itaas.

Hindi mo naman kailangang maging edukado at magkaroon ng mataas na pinag-aralan para ipakita ang iyong respeto, pakikiramay, at paggalang sa kapwa mo tao. Sapat na ang malaman mo at isabuhay ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagkakaugnay-ugnay nating mga tao.

Hindi mga doktor ang mga ordinaryong tao na dumadalaw sa lolo. Pero napapagaan nila ang aming kalooban at nabibigyan ng kasiyahan na hindi kayang gawin ng ibang doktor. Hindi mo kailangang magtapos ng medisina para “makapagpagaling” ng isang tao. Sapat na ang marunong kang makiramay, rumespeto at makipag-kapwa tao.

At sa aking opinyon, hamak na mas mabuti iyon kumpara sa doktor na ang pananaw ay walang maitutulong ang mga pilosopong nag-iisip at nagninilay ng mga ganitong bagay.
Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

Ang artikulong ito ay nakalaan para sa “Virtually Unconditioned” column sa The Prolegomenon (Opisyal na pahayagan ng St. Francis de Sales Major Seminary, Lipa City). Ang column ay nakalaan para sa mga “virtual seminarians” – mga seminaristang nasa labas ng seminaryo at nasa ilalim ng regency program. Isang malaking pag-uuyam (irony) na noong panahon ko bilang editor-in-chief nagsimula ang Virtually Unconditioned. Magsusulat din pala ako dito? Wasak!

Advertisements

>My Chinese New Year’s Resolutions

>

Disclaimer: Hindi ako Chinese. Sa pagkakaalam ko ay walang Chinese blood na nananalaytay sa dugo namin. Kung meron man, 2% or less lang. Singkit kasi ang mga kamag-anak ko sa Father’s side. Siguro may ka-relasyong Intsik na Trader ang isa sa mga ninuno ko noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Itatanong ko pa sa grandparents ko. At dahil halos lahat na ng produkto sa merkado ngayon ay puro “Made in China”, in a way, Chinese na din ako.

Bakit ako gumagawa ng resolutions ngayong Chinese New Year? Hindi kasi ako nakagawa noong January 1 dahil sa paniniwalang “New year resolutions are meant to be broken.” Pero napag-isip-isip ko na maganda din naman na meron kang prinsipyong sinusunod sa buhay. Na merong goal. Sabi nga ni Stephen R. Covey, “Begin with an end in mind”.

Isa pa, ang Chinese New year ay papatak ng February 14. Valentine’s Day. Kaya imbes na mag-emo-emo-han ako dahil wala akong ka-date, gagawa na lang ako ng list ng goals to accomplish this year. Mas mabuti to, productive na, tipid pa sa gastos.

Sabi ng mga Feng Shui expert, hindi daw masyadong maganda ang Year of the Metal tiger para sa mga katulad kong ipinanganak sa year of the snake. At para ma-counter ang malas, dapat daw ay hardwork. May free will ang tao. Dapat daw gamitin. (Kaya hindi ako naniniwala sa mga Feng shui at Horoscope, palaging sinasabing nasa kamay pa din ng tao ang kapalaran. Of course! Kaya huwag na kayong mag-post ng guidelines dahil kami din naman ang masusunod sa huli. Maglolokohan lang tayo.)

Kaya heto na, ang Chinese New Year’s resolution(s) ko, para next year ay sisihin ko ang sarili ko kapag hindi ko nagawa at hindi ibang tao ang pagbubuntunan ko ng galit sa mga ka-lechehan sa buhay.

TRY TO LOSE WEIGHT. Anak ng syoktong! Sabi ng mga nagmamagaling na eksperto ay ito daw ang pinakamadalas na hindi natutupad na resolution. Tunay nga naman ang pagyayabang nila. Sino ba naman ang magpapagal na magpapayat gayong napakasarap kumain? Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Epicurus na “Eat, drink, and be merry, for tomorrow you will die.” Kung mamatay man, mamatay ng maligaya. Pero umaangal na ang sistema ko. Ayoko pang mamatay. Bata pa ako.

FIND TIME TO EXERCISE. Natatandaan ko pa last 2008 noong tinamaan ako ng osteoarthritis (hindi ka maniwala ano?) dahil hindi na kaya ng mga joints ko ang bigat ng katawan ko. Kaya ang ginawa ko noon ay araw-araw na jogging at mag-pump sa fitness gym ng seminaryo. Muntik na akong maging hunk noon. Kaso napabayaan noong lumabas ng seminaryo. Kaya lumobo na ulit. Shet!

AVOID FATTY AND GREASY FOODS. Oo nga’t masarap ang sisig at chicharon sa pulutan pero kailangang bawas-bawasan ang intake. Baka balutan na ng taba ang puso ko at mabarahan ang mga ugat ko, mahirap na. At saka nakaka-blemish at pimples ang fats at grease. Kadiri. Baka hindi na matuloy ang pangarap kong maging matinee idol.

LESSEN BEER INTAKE. Naniniwala ako na nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa katawan ang alkohol. And we must conserve water, so drink beer. Pero nakaka-bundat ang beer. Hassle naman na palagi na lang akong mukhang butete na may malaking man-boobs (na mas malaki pa sa ibang babaeng kakilala ko, kaya insecure sila sa akin). Bawasan ang pag-tungga ng beer. Kahit konti lang.

MAXIMIZE YOUR POTENTIAL AS A (FRUSTRATED) COOK. Ipinagyayabang ko na mahilig ako magluto at fan ako ng mga cooking shows nina Chefs Rosebud Benitez, Sandy Daza, at Niño Logarta. Asset sa lalaki ang masarap magluto. At kung hindi man ako makapag-asawa agad, kaya kong pakainin ang sarili ko. Kaya susubukan ko pang mag-experiment sa pagluluto. Mahal ang mag-aral sa Culinary School kaya sariling sikap muna. Saka na lang kapag naka-ipon.

FEED YOUR MIND. Oo nga’t tapos ka na ako sa kolehiyo at tapos na ako sa lahat ng mga impyernong exams. But learning doesn’t stop there. Sabi nga noong nakainuman ko sa bukid minsan, “A man who graduates today, and stops learning tomorrow, is uneducated, the day after.” (Naka-save yan sa phone ko, May 6, 2008, 7:00:10 PM).

READ GREAT BOOKS. Tanda ko pa noong mga panahong nagbabasa ako ng mga novels, spiritual/inspirational books sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa final exams ng mga major subjects. Ganoong ka-dedicated at ka-addict. Ugh! At tanda ko pa yung sabi sa akin noong Prayleng kalbo kong prefect of discipline noong high school, “The man who can write for an hour is a man who can read for six hours.”

READ SUBSTANTIAL ARTICLES AND ESSAYS. Hindi katulad noong nag-aaral pa ako, wala na akong access sa mga daily broadsheets para magbasa ng mga substantial na obra ng mga kolumnista. Per andiyan naman ang internet. Ano pang silbi kung follower ako sa Facebook at Twitter nina Conrado de Quiros, Patricia Evangelista, Gang Badoy, at Manuel Quezon III?

TRY TO WRITE MORE IN ENGLISH. Excuse daw ng mga manunulat (na katulad ko) ang pagsusulat sa Filipino at informal para hindi mapulaan ang pag-gamit ng Ingles. Kaya ko naman magsulat ng substantial at may sense sa parehong Wika. Ang problema lang, kapag sunod-sunod na ang isinulat ko sa iisang wika, nagiging dominante, nagiging mapurol ako sa isa. Kailangan kong isabuhay ang isa sa mga huling pangaral sa akin ng rektor ko noong Kolehiyo, “Kailangang maging balanse. Magsulat ka sa parehong wika. At dapat ay may constancy.”

ACCEPT CRITICISMS AND NOT-SO-GOOD COMMENTS AND CORRECTIONS. Siguro ay nasanay lang ako na puro papuri at paghanga ang natatanggap ko sa mga blogs ko. Kaya it’s an eye-opener na may isang matalinong mambabasa ang nagbigay ng kaniyang puna at mungkahi sa isa kong blog entry. Accept corrections wholeheartedly and with all humility. Walang taong perpekto. Alalahanin ang classic essay na “Of Being Ashamed of One’s Past.” Kagaya ng madalas kong itinuturo sa mga talks ko, sa pagkakamali tayo natututo at lumalago.

PREPARE. PREPARE. PREPARE. Hindi na ako yung dating ako na kahit hindi masyadong prepared ay ayos pa din ang ibinibigay na talks/seminars. Sabi nga ng mga comrades ko dati, “Espiritu Santo na ang bahalang gumalaw.” Sin of presumption yun. Sabihin na nating maganda nga ang ibinibigay kahit hindi nakapaghanda, pero hamak na mas maganda kung talagang pinaghandaan.

BE INNOVATIVE AND NEVER BE STAGNANT WITH IDEAS. Naaalala ko iyong kasabihang “Do not trust a man of one book.” Minsan kasi, nagiging paulit-ulit na ang sinasabi ko. Napakadaming mga bagay sa ilalim ng cosmos para maging stagnant at redundant. Magbasa. Mag-prepare. Mag-consult. Walang masama doon.

LESSEN MY BEING “SUPLADO.” Madaming nagsasabing “suplado incarnated” ako. Poker face kasi ako lalo na sa mga pampublikong lugar. Diretso lang ang tingin. Kaya may mga kakilala akong nakakasalubong na hindi ko napapansin. Hayun. Nababansagang suplado at mayabang. Hindi naman sa ganun. Mahiyain lang talaga ako minsan (wink!).

SMILE MORE OFTEN. Kahit hindi alligned at medyo sungki ang ngipin ko, ngiti pa din. Nakakagaan sa pakiramdam ng iba ang pag-ngiti. Proven ko na na kahit medyo masungit ang isang tao, kahit isang istranghero, napapabago ng sinserong ngiti. Hayaan niyo, kapag nakaipon, magpapa-alambre na ako ng ngipin para maging perfect smile na pang-toothpaste commercial.

CONTROL MY TEMPER. May mga pagkakataong boy badtrip talaga ako. At nakakasakit ng kapwa kung hindi man physicaly ay verbaly at emotionaly. Kagaya nga ng madalas kong payo sa mga kaibigan ko, “chillax lang”, sana mai-apply ko din sa sarili ko.

BE A GOOD EXAMPLE. Sa kadahilanang walong (8) taon nga ako sa seminaryo, hindi naman sa pagmamayabang, ay madami pa ding mga tao ang buo ang respeto at humahanga sa akin. Kaya napakalaking iskandalo kung maging masamang ehemplo ako. Na ako pa ang mangunguna sa mga katarantaduhan (na inaamin ko, madalas kong ginagawa). Dapat nga ay ako pa ang mag-initiate na gumawa ng mabuting bagay. (Amen?)

EXPAND SOCIAL HORIZON. Ang dalawang taon kong pahinga ay nakalaan para malaman ko talaga kung para ako sa pagiging Pari o hindi. Mahaba ang dalawang taon. Madami akong maging mga bagong kaibigan na makakatulong sa akin sa aking discernment. Kaya hindi muna ako nag-ge-gelprend. Baka kasi maging exclusive ako.

ENGAGE IN MORE EXPERIENCE-ENRICHING ACTIVITIES. Sabihin na nating medyo “hampered” ako sa loob ng seminaryo. Limited at structured kasi ang mga activities doon. So ito ang pagkakataon para i-try ko ang mga bagay na di ko pa nasusubukan at matagal ko ng gustong subukan. Photography, Scuba diving, mountain climbing, magpahabol sa askal na may rabies, makipagkuwentuhan sa mga taong grasa, etc. Naniniwala ako sa prinsipyong “Gawin mo ang mga bagay habang may pagkakataon. Madami ang namamatay ng hindi yan nasusubukan.”

TRY TO STOP SECRET MEETINGS WITH SATAN. May mga bagay sa buhay natin na sarili lang natin ang nakakaalam, ang Diyos, at si Satan. Ito yung mga “lihim na kasalanan.” Naalala ko noong nag-take ako ng “Impyerno Test” ni Dante Alghieri na application sa internet. Sa 8th level ako ng impyerno bumagsak. Kung pamilyar ka sa mga level ng impyerno ni Dante, alam mo na ang tinutukoy ko. Ayokong kapag namatay ako ng di oras ay maging instant border ni Satan. Mainit dun.

APPROACH THE SACRAMENT OF CONFESSION MORE OFTEN. Mag-iisang taon na simula noong huli akong nangumpisal. Kung noong huling walong taon ng buhay ko ay buwan-buwan ako mangumpisal (o kapag may instant mortal sin), dapat ay ipagpatuloy ko pa rin iyon hanggang ngayon.

NEVER FORGET MY SPIRITUALITY. Madasalin at araw-araw akong nagsisimba – dati. Simula nang magpahinga ako, bihira na. Kaya I feel weak. I feel empty. Kailangan kong mag-recharge at mag-reconnect sa Diyos. Dapat kong tandaan na walong taon ako sa pangangalaga ng mga prayle.

TO RESSURECT MY SPIRITUAL JOURNAL. Ang sipag ko dating magsulat sa aking spiritual journal. Halos walang mintis bawat araw. Kaya ang lalalim ng mga reflections ko noon. Isa nga ako sa mga inaabangan para mag-“mini sermon” noon. Puwede ng pang-Santo. Pero Anong nangyari? Ayun! Napatigil. Inamag ang notebook. At para akong back to zero.

VALUE OLD FRIENDSHIPS. Sabi nga noong isang kasabihan, “People come and go, but true friends remain.” Hindi kaila na madami na ding taong nagdaan sa buhay ko. Yung iba dumaan lang. Yung iba nag-iwan ng marka. At yung iba, ayun, nanggamit lang. Pero merong mga tunay na kaibigan na palaging andiyan. Value them. They are more precious than gold.

RECONNECT WITH PEOPLE WHO MATTERED. Sa scrapbook/life album ko sa psychology noong second year college, nakalista ang mga taong naging malaking impluwensya kung sino at ako ngayon. Mga guro, superiors, pari, madre, at mga ikalawa kong magulang. Habang hindi pa ako masyadong matanda at bago nila ako tuluyang makalimutan, susubukan kong bumalik sa kanila para magpasalamat.

TRY TO HEAL MYSELF FROM PREACHER’S DISEASE. Madami akong sinasabing magagandang bagay sa iba. Madami akong ibinibigay na magagandang advice sa mga humihingi. Pero wasak! Hindi ko isinasabuhay. Yun ang preacher’s disease. Yung “not practicing what one preaches.” Sayang naman. Nakikinabang ang iba pero ang sarili ko ay hindi.

FIND A (BETTER) JOB NOT FOR THE SAKE OF MONEY BUT FOR THE LESSONS AND EXPERIENCE. Ganto ang prinsipyo ko: “Kung magta-trabaho din lang naman ako, gusto ko ay gusto ko ang ginagawa ko. Hindi dahil sa malaki ang suweldo kahit ayoko ng ginagawa ko.” Kaya gusto ko iyong trabaho na nakikisalamuha sa ibang tao at hindi nakasalpak sa harap ng computer, with a fake American accent. Mas gusto ko ang field work at pagtuturo sa mga estudyante. Care to give me one? (PM mo lang ako)

BE A BETTER SON. I am proud to say na hindi ako prodigal son. Hindi ako naninigarilyo. Hindi ako nagwawaldas ng kayamanan ng mga magulang ko. Pero minsan, nasasagot ko ang mga magulang ko. At alam ko ang pakiramdam sa kanila noon. Kaya dapat ay maging better ako. Alam kong proud sila sa akin. Ikaw na ang magkaroon ng (mga) anak na magpapari (wink! wink!). Dalawa kami ng kapatid kong nasa seminaryo. Dalawa lang kaming lalake at isang babae. So walang magkakalat ng apelyido ng tatay ko kapag nagkataon.

REMEMBER: LIFE IS, AND WILL ALWAYS BE BEAUTIFUL. Kahit ano mang ka-lechehan ang nangyayari sa buhay, life is still beautiful. Be optimistic. Live with that principle. At for sure, makakatagpo ako ng security at “inner happiness.”

DON’T FORGET TO LIVE BY MY PRINCIPLES. Sasabihin ng mga pragmatist na, “Aanhin mo ang prinsipyo? Makakain mo ba yan?” Maaaring tama sila na hindi nga naman tangible ang mga prinsipyo, pero ang pagkakaroon ng mindset at philosophy na isinasabuhay ang magiging sandigan at basehan sa pag-gawa ng desisyon para sa survival at pag-acquire ng mga tangible at useful things na ipinagmamalaki ng mga Pragmatists at Utilitarians. Gets niyo?

MAKE A DIFFERENCE. It may sound too Mother Theresa or Rizal-ish pero wala namang masamang mangarap ng malaki. Pero nangangagat ang katotohanan. Masyadong malaki ang ginawa nila. Pero hindi naman kinakailangang gumawa ng malaki para magkaroon ng “difference.” Sa simpleng mga bagay lang at sa usual na routine natin sa araw-araw, puwede na tayong gumawa ng difference. Iyong simpleng makatulong at “maka-impluwensya” ka sa iba tungo sa kabutihan, malaking bagay na iyon. Naniniwala kasi ako sa prinsipyong “Fruitful at meaningful ang buhay ng isang tao kung minsan sa buhay niya ay naka-impluwensya siya tungo sa kabutihan ng kaniyang kapwa.” Kahit sa simpleng pag-post ng mga blog na nakaantig sa iba, malaking bagay na.

Sa bandang huli, maganda rin na meron tayong goal na tinutumbok sa buhay. Others may consider this as a waste of time and effort. Pero sa aking opinyon, mas malaking pag-aaksaya ng oras at affort ang nabubuhay ng walang patutunguhan. Ang nabubuhay ng para sa wala.

Hindi ako naniniwala sa mga lucky charms ng mga kaibigan nating Intsik. Sa aking opinyon, gimik lang nila iyon para magka-negosyo. Madami namang nagpapauto. Tayo pa din ang guguhit ng ating kapalaran.

Tayo ay mga tao. Endowed with free will and intellect. Matalino tayong mga nilalang. Tayo ang nagmamani-obra sa buhay natin. Hindi ang iba. Hindi ang mga bituin. Hindi ang cosmos. Hindi ang mga elemento. Hindi ang Feng Shui.

Hindi ako Intsik. Pero nakikiisa ako sa kanila sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kung Hei Fat Choi!

>My Chinese New Year’s Resolutions

>Disclaimer: Hindi ako Chinese. Sa pagkakaalam ko ay walang Chinese blood na nananalaytay sa dugo namin. Kung meron man, 2% or less lang. Singkit kasi ang mga kamag-anak ko sa Father’s side. Siguro may ka-relasyong Intsik na Trader ang isa sa mga ninuno ko noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Itatanong ko pa sa grandparents ko. At dahil halos lahat na ng produkto sa merkado ngayon ay puro “Made in China”, in a way, Chinese na din ako.

>Ang Likas na Katangahan ng Simbahan

>

Don’t get me wrong. I am not an a Satanist nor an Atheist. Though some people judged me as a having a potential of being one. You see, I was branded a radical and liberal by my former superiors (who happened to be Prayles,though not the Padre Damaso-types).

I am making this module/lesson plan for our Parish’s Sunday School. And the good old Manangs gave me this series of books as my guide. It’s actually a relief for me since I am lazy as a sloth to make my own (and it has been months or a year since I last taught basic Catechism to children – back when I was still in the seminary).

So here am I, making an outline and dividing the lessons into the days of our Sunday sessions. To tell you, it’s not that easy to make a module especially if it would be delivered to children 12 years of age and below. One has to carefully and precisely deliver the topic into the level of knowing of these children.

I was once a student and it pisses me when the professors/instructors deliver their lesson into their own level of thinking without considering the students. It’s a treason and a stupidity.

I was on the last part of making the module when I came across a particular topic. Perhaps, I was too sleepy, stressed and tired so I have typed “Ang Likas na Katangahan ng Simbahan” (The Natural Stupidity of the Church).

Holy Heavens!

Forgive me.

It should have been “Ang Likas na Katangian ng Simbahan” (The Natural Characteristics of the Church).

So never over work. It may lead into a disastrous, adverse, and terrible consequences (Or an apostasy or heresy in my case).

Take a rest.

Pamper yourself.

Relax.

Even God rested after creating the world. So why won’t you?

>Jamby Madrigal’s Blunder (o Kung Paano siya Tinraydor ng Galunggong at Itlog na Maalat)

>

I watched the live stream of The Presidential Forum/Debate organized by The Philippine Daily Inquirer kaninang umaga. Salamat kay Gang Badoy ng Rock Ed Philippines for sharing the link through her Twitter account.

Dahil hindi ako morning person, hindi ko nasimulan yung forum pero okay na din dahil may blow by blow commentary at analysis sina Gang Badoy at ang kolumnistang si Patricia Evangelista sa kanilang Twitter account kaya parang nasubaybayan ko na din from the start.

Wala sa forum si Presidente Erap kaya walang “excitement”/ comic punchlines/ stupid cracks. Pero nandoon yung isang kandidato na nagpataas ng energy/ nagpa-high blood ng mga manonood.

Si Senator Maria Ana Consuelo Madrigal.

Mas kilala bilang Ja-ja-ja-jamby

Nagsimula sa tanong ng isang panelist.

Panelist: “Magkano po Senator ang kilo ng galunggong at itlog na maalat ngayon?”

Jamby: “I think it’s about 60”

(Jeers and collective “No” from the crowd)

Jamby:You know, I cannot answer that, I will be honest, because I’m a vegetarian. I don’t eat fish.”

(A louder jeers and collective “No” from the crowd)

At nang medyo nag subside ang crowd, tinanong naman si Jamby kung magkano ang itlog na maalat.

Jamby: “Hindi po ako kumakain ng itlog.”

Intro pa lang yun ng panelist. Ang tunay na tanong ay kung magkano ang dapat na income ng isang tipikal na pamiyang Pinoy para makakakain ng three square meals sa maghapon. Kailangan daw na makapag-uwi ng bread winner ng Php 15,000 kada buwan.

Jamby: “If it’s the father and mother working then they’ll be taking home Php 30,000 a month and that would be the bare minimum to survive.”

At natapos na ang oras ni Jamby.

Sa maikling panahon, tumatak siya sa kasaysayan ng mga presidential forum/debates. Sikat! Pero sa negatibong impact.

Hindi naman natin masisisi si Senator Jamby kung hindi siya kumakain ng isda at itlog (kung yun nga ang tunay na dahilan) kaya hindi niya alam ang presyo nito.

Hindi din naman siguro siya namamalengke kagaya ng karamihan sa atin kaya hindi niya alam ang trend ng mga presyo ng mga basic commodities.

At ang asawa niya na si Eric Jean Claude Dudoignon Valade ay isang French. Sanay lang siya siguro siya sa mga mamahaling French dish. Hindi daw siya kumakain ng isda at itlog. Siguro sanay siya kumain ng itlog ng isda. Caviar para mas sosyal.

Reasonable nga siguro ang alibi niya.

Pero isa siyang Senadora.

Isa siyang Kandidata sa pagka-Pangulo.

Isang opisyal ng gobyerno na nagsasabing siya ay maka-mahirap.

Paano mo malalaman ang istado ng bayang pinapangarap mong paglingkuran kung hindi mo alam kung paano sila nabubuhay? Kung hindi mo alam kung estado ng kanilang pamumuhay?

Naaalala ko sa pelikulang Avatar, kinailangan pa nilang maging isang Na’Vi para malaman nila ang pamumuhay at kultura ng mga Na’Vi.

kung ganoon kaya ang gawin sa mga opisyal ng gobyerno na nagbabalak tumakbong pangulo? Magkakaroon ng immersion/pakikipamuhay ng anim na buwan sa mga mahihirap? For exposure lang. Para malaman ang realidad.

Sa ganon, malalaman na nila siguro ang presyo ng itlog na maalat at galunggong.

>My Evil Deed of the Day

>What pisses me most ay yung mga magkarelasyon na magkalingkis at napakabagal maglakad sa unahan ko tuwing RUSH HOUR. Yun bang tipong nagmamadali ka na ay hindi mo makuhang mag-overtake dahil halos okupahin na nila ang sidewalk.

So in the spirit of a sweet and clean revenge sa perwisyo nila sa ibang nagmamadaling mga commuters, I gave in into the temptation of doing a little “evil” deed. (I think it’s a venial sin so I don’t need to go immediately to the Confessional Box for the fear of my soul burning into the eternal flames of hell).

Noong nakakuha ako ng chance na maka-overtake sa kabagalan nila, i grabbed it. Eksakto naman na walang sasakyan sa kalsada kaya madali akong naka-overtake sa kanila sa sidewalk.

Once na nasa likod ko na sila – still walking like they are on the moon – I released the toxic fumes na ilang minuto ko na ring pinipigilan lumabas.

Fart worse than the smell of the Kraken’s mouth.

In their face!

Sabay lakad papalayo sa kanila in my “normal” speed ng paglalakad – which is a little faster than the ordinary Juan’s usual walk.

I pray that God will forgive me on my little evil deed of the day.

And God Bless their noses. 😉

>Repent! Balemtayms is Near!

>9 days before Balemtayms, andaming contacts ko sa Facebook ang nagpapalit ng relationship status. From “in a relationship” to “it’s complicated” to “single”. I love the phenomenon! 

Well most of them are teenagers and students kaya medyo acceptable ang pagpapalit ng status. Ampanget naman kung magpapalit ng status ay kung kailan “Married”, saka pa magiging “It’s Complicated.”

Sa totoo lang, hindi ako pabor sa mga nakikipagrelasyon habang mga estudyante pa. Labas dito ang pagiging “single-since-birth” ko (oo, inaamin ko at proud ako dito). Sa aking opinion kasi, dapat ay inuuna ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kesa sa pakikipagrelasyon.

Malaki ang “investment:” ng kanilang mga magulang para sila ay makapag-aral – matrikula, board and lodging, allowance, at luho. Hindi nila dapat iyon sinasayang at pinapawalang halaga. Mapapalad silang mga nabigyan ng pagkakataong makapag-aral (mas mapalad kung sa mga prestihiyosong paaralan pa) dahil libu-libong mga kabataan ang nagnanais ng kanilang kinatatayuan ngunit hindi pinalad dahil sa hirap ng buhay.

Sa mga nagsasabing ginagawa nilang “inspirasyon” ang kanilang mga “ka-relasyon”, hindi pa ba sapat ang inyong mga magulang at pamilya bilang inspirasyon sa pag-aaral?

Ang pagiging single habang estudyante ay imbitasyon para mapalawak ang ating horizon. Hindi naman kaila sa atin na merong mga nasa isang relasyon na nagiging “exclusive” sa kanilang ka-relasyon. Iyon bang tipong “you and me against the world” na ang drama.

Sa pagiging single, lumalawak ang social horizon dahil hindi lamang umiikot ang mundo sa iisang tao. Isa pa, ang pagiging single at walang inaatupag na problema sa lovelife ay imbitasyon para palawakin ang horizon ng skills at mga karanasan. Mag-aral kang mag-surfing, ng photography, umakyat sa bundok, mag-road trip, island hopping, camping at kung ano pang gusto mong trip na hindi itinuturo sa paaralan. Sa ganoong paraan, matututo ka na ng mga ibang bagay, magiging mayaman ka pa sa karanasan.

Panghuling punto kung bakit hindi ako pabor sa pakikipagrelasyon habang estudyante pa ay dahil sa katotohanan ng pagiging mainit ng mga kabataan ngayon. Lahat tayo ay nasa ilalim at biktima ng sexual revolution. Masyadong mainit at makati ang mga kabataan ngayon dala na rin ng mundong kanilang ginagalawan.

Ang maagang pakikipagrelasyon, kapag napasobra sa itinakdang limitasyon, ay maaaring mauwi sa maagang pagiging mga magulang. Hindi na bago sa atin ang dami ng mga kabataan na maagang nabubuntis at hindi pa handa sa buhay may pamilya. Atupagin muna ang pag-aaral at ang pagbuo ng isang matinong pundasyon.

Hindi lang puro puso at hormones ang ginagamit sa buhay. Ginagamit din ang karne na gawa sa neurons sa loob ng ating bungo. Maging matalino ka.

Opinyon ko lang to. Huwag mo akong paniniwalaan. Try it for yourself. Tao ka na binigyan ng Talino at Kalayaan. Gamitin mo.

Ayoko lang dumating ang panahon na magkatotoo ang paglalagay ng “expiration date” sa kasal. Isang katangahan. Naniniwala pa rin ako na Sagrado ang kasal.

Kalimitan daw sa mga nauuwi sa hiwalayan ay yung mga maagang nakipagrelasyon/nagpakasal. Iisa lang ang buhay natin. Huwag mong madaliin. Sayang.

Sa huli, iiwanan ko sa inyo ang paborito kong linya mula kay DJ Arvin “Tado” Jimenez ng The Brewrats.

“Pa-monthsa-monthsary pa kayo! Maghihiwalay din kayo!”

Pag-ibig at kapayapaan sa ating lahat. Padayon!