My Chinese New Year’s Resolution Revisited

Noong isang taon, nagkataong pumatak ang Chinese New Year sa February 14, Valentine’s Day, or single awareness day para sa akin. Single ako noon, ano ba naman ang bago? Kaya’t imbes na magmukmok ako sa isang sulok, naisipan kong gumawa na lang ng Chinese New Year’s Resolution.

At halos isang taon ang nakalipas, aking babalikan ang aking listahan. Titingnan ko kung may improvement ba sa buhay ko o wala. Ano kaya ang mangyayari sa akin ngayong Year of the Metal Rabbit?

Halika, samahan mo akong magbalik-tanaw.

Disclaimer: Hindi ako Chinese. Sa pagkakaalam ko ay walang Chinese blood na nananalaytay sa dugo namin. Kung meron man, 2% or less lang. Singkit kasi ang mga kamag-anak ko sa Father’s side. Siguro may ka-relasyong Intsik na Trader ang isa sa mga ninuno ko noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Itatanong ko pa sa grandparents ko. At dahil halos lahat na ng produkto sa merkado ngayon ay puro “Made in China”, in a way, Chinese na din ako.

Bakit ako gumagawa ng resolutions ngayong Chinese New Year? Hindi kasi ako nakagawa noong January 1 dahil sa paniniwalang “New year resolutions are meant to be broken.” Pero napag-isip-isip ko na maganda din naman na meron kang prinsipyong sinusunod sa buhay. Na merong goal. Sabi nga ni Stephen R. Covey, “Begin with an end in mind”.

Isa pa, ang Chinese New year ay papatak ng February 14. Valentine’s Day. Kaya imbes na mag-emo-emo-han ako dahil wala akong ka-date, gagawa na lang ako ng list ng goals to accomplish this year. Mas mabuti to, productive na, tipid pa sa gastos.

Sabi ng mga Feng Shui expert, hindi daw masyadong maganda ang Year of the Metal tiger para sa mga katulad kong ipinanganak sa year of the snake. At para ma-counter ang malas, dapat daw ay hardwork. May free will ang tao. Dapat daw gamitin. (Kaya hindi ako naniniwala sa mga Feng shui at Horoscope, palaging sinasabing nasa kamay pa din ng tao ang kapalaran. Of course! Kaya huwag na kayong mag-post ng guidelines dahil kami din naman ang masusunod sa huli. Maglolokohan lang tayo.)

Kaya heto na, ang Chinese New Year’s resolution(s) ko, para next year ay sisihin ko ang sarili ko kapag hindi ko nagawa at hindi ibang tao ang pagbubuntunan ko ng galit sa mga ka-lechehan sa buhay.

Ang ganda ng ginawa kong intro last year ano? Puwedeng i-laminate at isabit sa dingding. Heto na, hindi na kita bibitinin, heto na ang mahaba kong listahan:

TRY TO LOSE WEIGHT. Anak ng syoktong! Sabi ng mga nagmamagaling na eksperto ay ito daw ang pinakamadalas na hindi natutupad na resolution. Tunay nga naman ang pagyayabang nila. Sino ba naman ang magpapagal na magpapayat gayong napakasarap kumain? Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Epicurus na “Eat, drink, and be merry, for tomorrow you will die.”  Kung mamatay man, mamatay ng maligaya. Pero umaangal na ang sistema ko. Ayoko pang mamatay. Bata pa ako.

Olats to. Isang taon ang nakalipas, heto at mas bumigat pa yata ako. Wala talaga akong disiplina sa sarili. Kailangan ko ng mabago ito. Pramis. Mamatay ka man.

FIND TIME TO EXERCISE. Natatandaan ko pa last 2008 noong tinamaan ako ng osteoarthritis (hindi ka maniwala ano?) dahil hindi na kaya ng mga joints ko ang bigat ng katawan ko. Kaya ang ginawa ko noon ay araw-araw na jogging at mag-pump sa fitness gym ng seminaryo. Muntik na akong maging hunk noon. Kaso napabayaan noong lumabas ng seminaryo. Kaya lumobo na ulit. Shet!

Isa pa itong olats. Isang beses lang ako nakapag-jogging noong isang taon. Oo. Isang beses lang. Pero mukhang magbabago na ito ngayon. Lumipat na kasi kami ng bahay. At mas madali ng mag-jogging doon sa bagong subdivision. Yeah ba!

AVOID FATTY AND GREASY FOODS. Oo nga’t masarap ang sisig at chicharon sa pulutan pero kailangang bawas-bawasan ang intake. Baka balutan na ng taba ang puso ko at mabarahan ang mga ugat ko, mahirap na. At saka nakaka-blemish at pimples ang fats at grease. Kadiri. Baka hindi na matuloy ang pangarap kong maging matinee idol.

Olats ulit. Mahilig kasi ako sa ma-grasang pagkain. Ang arap kasi ng mga malangis, masebo, at matabang pagkain. Ugh. Mang Lapid at Mojacko chicharon, ipanalangin niyo ako.

LESSEN BEER INTAKE. Naniniwala ako na nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa katawan ang alkohol. And we must conserve water, so drink beer. Pero nakaka-bundat ang beer. Hassle naman na palagi na lang akong mukhang butete na may malaking man-boobs (na mas malaki pa sa ibang babaeng kakilala ko, kaya insecure sila sa akin). Bawasan ang pag-tungga ng beer. Kahit konti lang.

Medyo panalo naman ‘to. Nitong nakaraang taon, bihiura lang talaga akong mag-beer. Mahal kasi ang beer. Pero mas napadami yata ang Tanduay Ice, gin bulag, lambanog, tuba, at GSM Blue. May urban legend na nakakapayat daw yung mga yun kaya’t pinatos ko na din.

MAXIMIZE YOUR POTENTIAL AS A (FRUSTRATED) COOK. Ipinagyayabang ko na mahilig ako magluto at fan ako ng mga cooking shows nina Chefs Rosebud Benitez, Sandy Daza, at Niño Logarta. Asset sa lalaki ang masarap magluto. At kung hindi man ako makapag-asawa agad, kaya kong pakainin ang sarili ko. Kaya susubukan ko pang mag-experiment sa pagluluto. Mahal ang mag-aral sa Culinary School kaya sariling sikap muna. Saka na lang kapag naka-ipon.

Medyo olats din. Killer Adobo pa lang ang nama-master kong putahe. Medyo limited kasi ang supplies dito sa bahay kaya di ako masyadong makapag-eksperimento. Pero impernes, nakapagluto naman ako ng may pa-red wine-red wine na inilalagay. Achievement na yun. Susubukan ko ding mag-aral mag-bale ngayong taong ito.

FEED YOUR MIND. Oo nga’t tapos ka na ako sa kolehiyo at tapos na ako sa lahat ng mga impyernong exams. But learning doesn’t stop there. Sabi nga noong nakainuman ko sa bukid minsan, “A man who graduates today, and stops learning tomorrow, is uneducated, the day after.” (Naka-save yan sa phone ko, May 6, 2008, 7:00:10 PM).

I see to it na araw-araw ay may bago akong natututunan. Medyo panalo ang item na to. Salamat na lang at merong internet. Araw-araw, may bago akong natututunan kahit wala na ako sa paaralan.

READ GREAT BOOKS. Tanda ko pa noong mga panahong nagbabasa ako ng mga novels, spiritual/inspirational books sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa final exams ng mga major subjects. Ganoong ka-dedicated at ka-addict. Ugh! At tanda ko pa yung sabi sa akin noong Prayleng kalbo kong prefect of discipline noong high school, “The man who can write for an hour is a man who can read for six hours.”

Nakapag-download nga ako ng maraming eBooks pero wala pa rin, hindi ko din masyadong nababasa dahil mabigat ang laptop (sabihin mo na kasing gusto mo ng tablet o kaya iPad). Pero sa kasalukuyan, binabasa ko ang matagal ng overdue sa aking libro na Sophie’s World.

READ SUBSTANTIAL ARTICLES AND ESSAYS. Hindi katulad noong nag-aaral pa ako, wala na akong access sa mga daily broadsheets para magbasa ng mga substantial na obra ng mga kolumnista. Per andiyan naman ang internet. Ano pang silbi kung follower ako sa Facebook at Twitter nina Conrado de Quiros, Patricia Evangelista, Gang Badoy, at Manuel Quezon III?

Medyo panalo ‘to. Naging tambay ako ng website ng Philippine Daily Inquirer at ng ilan sa mga tinitingala kong blogger sa Tumblr at sa iba pang blogging platforms. In one way or another, may natutunan naman ako sa kanila.🙂

TRY TO WRITE MORE IN ENGLISH. Excuse daw ng mga manunulat (na katulad ko) ang pagsusulat sa Filipino at informal para hindi mapulaan ang pag-gamit ng Ingles. Kaya ko naman magsulat ng substantial at may sense sa parehong Wika. Ang problema lang, kapag sunod-sunod na ang isinulat ko sa iisang wika, nagiging dominante, nagiging mapurol ako sa isa. Kailangan kong isabuhay ang isa sa mga huling pangaral sa akin ng rektor ko noong Kolehiyo, “Kailangang maging balanse. Magsulat ka sa parehong wika. At dapat ay may constancy.”

Panalo din ito. Hangga’t maaari ay nagsusulat ako sa wikang Ingles sa aking blog para na rin sa akin at para sa mas malaking market. At kahit sablay minsan ang grammar, rhetoric, at spelling, puwede na rin. At least, natututo sa mga pagkakamali.

ACCEPT CRITICISMS AND NOT-SO-GOOD COMMENTS AND CORRECTIONS.Siguro ay nasanay lang ako na puro papuri at paghanga ang natatanggap ko sa mga blogs ko. Kaya it’s an eye-opener na may isang matalinong mambabasa ang nagbigay ng kaniyang puna at mungkahi sa isa kong blog entry. Accept corrections wholeheartedly and with all humility. Walang taong perpekto. Alalahanin ang classic essay na “Of Being Ashamed of One’s Past.” Kagaya ng madalas kong itinuturo sa mga talks ko, sa pagkakamali tayo natututo at lumalago.

Panalo din ang isang ito. Maraming salamat sa mga nag-iiwan ng puna at mungkahi at nagtatama ng kung ano mang pagkakamali sa aking blog.

PREPARE. PREPARE. PREPARE. Hindi na ako yung dating ako na kahit hindi masyadong prepared ay ayos pa din ang ibinibigay na talks/seminars. Sabi nga ng mga comrades ko dati, “Espiritu Santo na ang bahalang gumalaw.” Sin of presumption yun. Sabihin na nating maganda nga ang ibinibigay kahit hindi nakapaghanda, pero hamak na mas maganda kung talagang pinaghandaan.

Hindi ako masayadong nakapagbigay ng mga talks at retreats ngayon kaya’t hindi ko masasabing nakakapaghanda ako ng maayos. Ay oo nga pala, may isang pagkakataon sa tinuturuan kong Sunday School na na-blangko ako sa mga bata dahil hindi ko alam ang tagalog ng bawat isa sa 10 commandments. Wasak hindi ba? Nakakahiya.

BE INNOVATIVE AND NEVER BE STAGNANT WITH IDEAS. Naaalala ko iyong kasabihang “Do not trust a man of one book.” Minsan kasi, nagiging paulit-ulit na ang sinasabi ko. Napakadaming mga bagay sa ilalim ng cosmos para maging stagnant at redundant. Magbasa. Mag-prepare. Mag-consult. Walang masama doon.

Natututo na ako ngayon na mas kumunsulta sa mas maraming sources, magtanong sa ibang tao, at baliin ang utak ko sa pag-iisip ng ibang ideas – katulad ng ginagawa ko noong kolehiyo.

LESSEN MY BEING “SUPLADO.” Madaming nagsasabing “suplado incarnated” ako. Poker face kasi ako lalo na sa mga pampublikong lugar. Diretso lang ang tingin. Kaya may mga kakilala akong nakakasalubong na hindi ko napapansin. Hayun. Nababansagang suplado at mayabang. Hindi naman sa ganun. Mahiyain lang talaga ako minsan (wink!).

Mukhang matatagalan pa bago ko mabago ang ugali kong ito. Kailangan ko ng isang self-esteem boost (dahil sa tingin ko ay doon nagsisimula ang lahat).

SMILE MORE OFTEN. Kahit hindi alligned at medyo sungki ang ngipin ko, ngiti pa din. Nakakagaan sa pakiramdam ng iba ang pag-ngiti. Proven ko na na kahit medyo masungit ang isang tao, kahit isang istranghero, napapabago ng sinserong ngiti. Hayaan niyo, kapag nakaipon, magpapa-alambre na ako ng ngipin para maging perfect smile na pang-toothpaste commercial.

Magpapa-alambre na dapat ako last December. Pero dahil sa series of unfortunate events dito sa bahay, dumami ang gastusin, naisantabi ang alambre. Pero proud pa din akong sabihin na mas madalas na akong bgumiti ngayon.🙂

CONTROL MY TEMPER. May mga pagkakataong boy badtrip talaga ako. At nakakasakit ng kapwa kung hindi man physicaly ay verbaly at emotionaly. Kagaya nga ng madalas kong payo sa mga kaibigan ko, “chillax lang”, sana mai-apply ko din sa sarili ko.

Isa pang olats to. Boy badtrip pa din ako ngayon. Madaling akong ma-provoke para magalit. Mainit lagi ang ulo. Kailangan ko na siguro ng professional help.

BE A GOOD EXAMPLE. Sa kadahilanang walong (8) taon nga ako sa seminaryo, hindi naman sa pagmamayabang, ay madami pa ding mga tao ang buo ang respeto at humahanga sa akin. Kaya napakalaking iskandalo kung maging masamang ehemplo ako. Na ako pa ang mangunguna sa mga katarantaduhan (na inaamin ko, madalas kong ginagawa). Dapat nga ay ako pa ang mag-initiate na gumawa ng mabuting bagay. (Amen?)

The past year has been bad for me. Or shall I say, ginawa ko itong masama para sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin. Madami akong dapat ihingi ng paumanhin at mga relasyong kailangang ayusin. Sana lang ay may lakas ako ng loob.

EXPAND SOCIAL HORIZON. Ang dalawang taon kong pahinga ay nakalaan para malaman ko talaga kung para ako sa pagiging Pari o hindi. Mahaba ang dalawang taon. Madami akong maging mga bagong kaibigan na makakatulong sa akin sa aking discernment. Kaya hindi muna ako nag-ge-gelprend. Baka kasi maging exclusive ako.

Medyo lumawak naman nitong nagdaang taon. Salamat na rin sa mga taong nakilala ko sa Tumblr (akalain mo yun?!) na mga naging kaibigan ko sa labas ng computer. Maraming salamat sa eLBikada!🙂

ENGAGE IN MORE EXPERIENCE-ENRICHING ACTIVITIES. Sabihin na nating medyo “hampered” ako sa loob ng seminaryo. Limited at structured kasi ang mga activities doon. So ito ang pagkakataon para i-try ko ang mga bagay na di ko pa nasusubukan at matagal ko ng gustong subukan. Photography, Scuba diving, mountain climbing, magpahabol sa askal na may rabies, makipagkuwentuhan sa mga taong grasa, etc. Naniniwala ako sa prinsipyong “Gawin mo ang mga bagay habang may pagkakataon. Madami ang namamatay ng hindi yan nasusubukan.”

Due to budget constraints, hindi ko nagawa ang mga gusto kong gawin last year. Pero sana, bago matapos ang taong ito, ay magawa ko na. Sana. Sana po.

TRY TO STOP SECRET MEETINGS WITH SATAN. May mga bagay sa buhay natin na sarili lang natin ang nakakaalam, ang Diyos, at si Satan. Ito yung mga “lihim na kasalanan.” Naalala ko noong nag-take ako ng “Impyerno Test” ni Dante Alghieri na application sa internet. Sa 8th level ako ng impyerno bumagsak. Kung pamilyar ka sa mga level ng impyerno ni Dante, alam mo na ang tinutukoy ko. Ayokong kapag namatay ako ng di oras ay maging instant border  ni Satan. Mainit dun.

Isa pang olats. Kung mamamatay siguro ako sa mga sandaling ito, alam kong sa impyerno na ang bagsak ko. Isa pa itong kailngan ng professional help.

APPROACH THE SACRAMENT OF CONFESSION MORE OFTEN. Mag-iisang taon na simula noong huli akong nangumpisal. Kung noong huling walong taon ng buhay ko ay buwan-buwan ako mangumpisal (o kapag may instant mortal sin), dapat ay ipagpatuloy ko pa rin iyon hanggang ngayon.

Tuwing may Kumpisalang Bayan sa Parokya, nagpupunta ako at nangungumpisal. Pero twice a year lang yun. Susubukan kong mangumpisal ng mas madalas. Active naman ang confession box sa simbahan.

NEVER FORGET MY SPIRITUALITY. Madasalin at araw-araw akong nagsisimba – dati. Simula nang magpahinga ako, bihira na. Kaya I feel weak. I feel empty. Kailangan kong mag-recharge at mag-reconnect sa Diyos. Dapat kong tandaan na walong taon ako sa pangangalaga ng mga prayle.

Proud akong sabihin na madalas na akong magdasal ngayon at gabi-gabi kaming pamilya kung magdasal ng Banal na Rosaryo.🙂

TO RESSURECT MY SPIRITUAL JOURNAL. Ang sipag ko dating magsulat sa aking spiritual journal. Halos walang mintis bawat araw. Kaya ang lalalim ng mga reflections ko noon. Isa nga ako sa mga inaabangan para mag-“mini sermon” noon. Puwede ng pang-Santo. Pero Anong nangyari? Ayun! Napatigil. Inamag ang notebook. At para akong back to zero.

Hindi ko nabuhay muli ang aking spiritual journal. Mas nag-focus kasi ako sa blog ko. Yung dating philosophical at religious post, napalitan na ng socio-political. Siguro ay paraan ito para matulungan akong makapagdesisyon kung para saan talaga ako.

VALUE OLD FRIENDSHIPS. Sabi nga noong isang kasabihan, “People come and go, but true friends remain.” Hindi kaila na madami na ding taong nagdaan sa buhay ko. Yung iba dumaan lang. Yung iba nag-iwan ng marka. At yung iba, ayun, nanggamit lang. Pero merong mga tunay na kaibigan na palaging andiyan. Value them. They are more precious than gold.

RECONNECT WITH PEOPLE WHO MATTERED. Sa scrapbook/life album ko sa psychology noong second year college, nakalista ang mga taong naging malaking impluwensya kung sino at ako ngayon. Mga guro, superiors, pari, madre, at mga ikalawa kong magulang. Habang hindi pa ako masyadong matanda at bago nila ako tuluyang makalimutan, susubukan kong bumalik sa kanila para magpasalamat.

Naimbitahan ako ng dati kong guro na bisitahin siya sa dati kong paaralan. Pero hindi pa din ako nakakapunta. Sabi ko ay wala akong time. Pero wala talaga akong pera. Ah alam ko na! Maghahanap muna ako ng bagong trabaho para magkapera. Ugh.

Seriously, tinatamad talaga akong pumunta. O dahil sa pride na din. Dahil wala pa akong masyadong “nararating” kumpara sa mga comrades ko. Malaki pa naman ang inaasahan nila sa akin noon pero ngayon, wala. Olats. Ugh.

TRY TO HEAL MYSELF FROM PREACHER’S DISEASE. Madami akong sinasabing magagandang bagay sa iba. Madami akong ibinibigay na magagandang advice sa mga humihingi. Pero wasak! Hindi ko isinasabuhay. Yun ang preacher’s disease. Yung “not practicing what one preaches.” Sayang naman. Nakikinabang ang iba pero ang sarili ko ay hindi.

Hindi ako masyadong nakapag-preach nitong taon kaya hindi ko masasabi kung may improvement ba dito o wala. Pero kung ituturing na ang blogging ay form of preaching, masasabi kong madami pa akong dapat ayusin sa sarili ko.

FIND A (BETTER) JOB NOT FOR THE SAKE OF MONEY BUT FOR THE LESSONS AND EXPERIENCE. Ganto ang prinsipyo ko: “Kung magta-trabaho din lang naman ako, gusto ko ay gusto ko ang ginagawa ko. Hindi dahil sa malaki ang suweldo kahit ayoko ng ginagawa ko.” Kaya gusto ko iyong trabaho na nakikisalamuha sa ibang tao at hindi nakasalpak sa harap ng computer, with a fake American accent. Mas gusto ko ang field work at pagtuturo sa mga estudyante. Care to give me one? (PM mo lang ako)

Nagkaroon naman ako ng trabaho sa publishing company. Pero sinayang ko ang magandang opportunity na yun. Ipinapangako ko sa sarili ko na sa susunod na trabaho, wala na akong aaksayahin.

BE A BETTER SON. I am proud to say na hindi ako prodigal son. Hindi ako naninigarilyo. Hindi ako nagwawaldas ng kayamanan ng mga magulang ko. Pero minsan, nasasagot ko ang mga magulang ko. At alam ko ang pakiramdam sa kanila noon. Kaya dapat ay maging better ako. Alam kong proud sila sa akin. Ikaw na ang magkaroon ng (mga) anak na magpapari (wink! wink!). Dalawa kami ng kapatid kong nasa seminaryo. Dalawa lang kaming lalake at isang babae. So walang magkakalat ng apelyido ng tatay ko kapag nagkataon.

Paano nga ba maging isang mabuting anak? Ano nga ba ang qualifications? Tumutulong sa mga gastusin? Nagbabahagi ng suweldo? O sapat na ang maging mapagmahal na anak sa magulang?

May mga pagkakataon mang lagi kong sinisigawan at inaaway ang mga magulang ko, pipilitin ko pa ring maging idang mabuti at mapagmahal na anak sa kanila.

At hindi na masyadong magiging pabigat.

REMEMBER: LIFE IS, AND WILL ALWAYS BE BEAUTIFUL. Kahit ano mang ka-lechehan ang nangyayari sa buhay, life is still beautiful. Be optimistic. Live with that principle. At for sure, makakatagpo ako ng security at “inner happiness.”

Padayon! – Iyan ang mantra ko sa buhay. Passive pessimistic lang ako (meganung word?) pero proud pa din akong sabihin na optimistic pa din ako. Padayon!

DON’T FORGET TO LIVE BY MY PRINCIPLES. Sasabihin ng mga pragmatist na, “Aanhin mo ang prinsipyo? Makakain mo ba yan?” Maaaring tama sila na hindi nga naman tangible ang mga prinsipyo, pero ang pagkakaroon ng mindset at philosophy na isinasabuhay ang magiging sandigan at basehan sa pag-gawa ng desisyon para sa survival at pag-acquire ng mga tangible at useful things na ipinagmamalaki ng mga Pragmatists at Utilitarians. Gets niyo?

Proud pa din akong sabihin na panalo itong isang ito noong nagdaang taon. Dumami man ang aking natutunan, na-expose man ako sa ibang mga kaisipan, hindi pa rin nagbabago ang mga prinsipyo kong natutunan sa loob ng seminaryo,

MAKE A DIFFERENCE. It may sound too Mother Theresa or Rizal-ish pero wala namang masamang mangarap ng malaki. Pero nangangagat ang katotohanan. Masyadong malaki ang ginawa nila. Pero hindi naman kinakailangang gumawa ng malaki para magkaroon ng “difference.” Sa simpleng mga bagay lang at sa usual na routine natin sa araw-araw, puwede na tayong gumawa ng difference. Iyong simpleng makatulong at “maka-impluwensya” ka sa iba tungo sa kabutihan, malaking bagay na iyon. Naniniwala kasi ako sa prinsipyong “Fruitful at meaningful ang buhay ng isang tao kung minsan sa buhay niya ay naka-impluwensya siya tungo sa kabutihan ng kaniyang kapwa.” Kahit sa simpleng pag-post ng mga blog na nakaantig sa iba, malaking bagay na.

Sa palagay ko naman, makalipas ang isang taon at mahigit labinlimang libong followers sa Tumblr, nakagawa ako ng difference kahit sa aking munting paraan. Naging “bayani” ako noong halalan. At kahit isa o dalawa siguro ay may naantig sa aking blog entry.🙂

Sa bandang huli, maganda rin na meron tayong goal na tinutumbok sa buhay. Others may consider this as a waste of time and effort. Pero sa aking opinyon, mas malaking pag-aaksaya ng oras at affort ang nabubuhay ng walang patutunguhan. Ang nabubuhay ng para sa wala.

Hindi ako naniniwala sa mga lucky charms ng mga kaibigan nating Intsik. Sa aking opinyon, gimik lang nila iyon para magka-negosyo. Madami namang nagpapauto. Tayo pa din ang guguhit ng ating kapalaran.

Tayo ay mga tao. Endowed with free will and intellect. Matalino tayong mga nilalang. Tayo ang nagmamani-obra sa buhay natin. Hindi ang iba. Hindi ang mga bituin. Hindi ang cosmos. Hindi ang mga elemento. Hindi ang Feng Shui.

Hindi ako Intsik. Pero nakikiisa ako sa kanila sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kung Hei Fat Choi!

Madami mang naging sablay sa aking resolutions noong isang taon, masasabi kong proud pa din ako dahil at least, meron pa ring patutunguhan ang buhay ko. Na meron akong plano. Na merong itineraries sa aking paglalakbay.

Ano nga ba ang meron para sa akin ngayong Year of the Metal Rabbit? Sabi ng mga borlogs na Feng Shui expert, masuwerte daw ang mga katulad kong ipinanganak ng Year of the Snake. Pero katulad ng nabanggit ko sa itaas, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.

Ano na ang resolutions ko ngayong taon? Simple lang. Isa lang.

Ang tuparin lahat ng nakasulat sa itaas.

Maligayang bagong taon sa ating lahat! Kung Hei Fat Choi! Padayon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s