An Eargasmic Juggernaut Music

If I were to give an Eargasmic Album of the Year award, it would be Patience Dear Juggernaut’s debut release Girl the Impaler. NU 107 is long dead (368 days is long, right?) so I might as well do my own Rock Awards this year.

Wait, who the hell is Patient Dear Juggernaut? Some of you may ask. Let me do the honors of introducing him to you, thanks to the artist’s Facebook Page:

Patience Dear Juggernaut is the solo project of Manila-based songwriter and filmmaker Cameron Aquino (AKA Wincy Ong), who writes, composes and plays the music for all of his songs. Cameron Aquino was a former guitarist of the indie band Narda and is the guitarist-keyboardist of Us-2 Evil-0.

The artist’s style can be characterized by ‘60s style harmony vocals, psychedelic chord progressions, robotic beeps and bleats, and progressive song structures, while his lyrical style leans towards the Dionysian and the absurd.

The other night, I saw a post from CJ De Silva’s Tumblr page (we used to know her then as the Promil Kid with an awesome drawing skills. And yeah, I envied her for that.) about an illustration inspired by Patience Dear Juggernaut’s songs. And it included a Bandcamp link where one can listen to all of the songs. I immediately checked its Facebook page and lo and behold, the album can be downloaded for FREE! If there is one thing wonderful in this cyber world aside from downloaded movies, that would be free music so that’s something to be celebrated, right? (I checked the page earlier this morning and I was surprised that they are charging 5 Dollars for the album. I wonder why.)

I first discovered Patience Dear Juggernaut on one of Lilystars Records posts before. Being a fan of bands under their roster of artists and other similar acts like Your Imaginary Friends, The Camerawalls, A Gentle Isolation, National ExpressOuterhope, Us-2 Evil-0, Everything Gone Green, That Lingering Feeling, and other artists included in the Filipino Indie Pop Scene compilations, I immediately binged (uh, pardon the word) its music. And I was not disappointed.

The opening track Beta Male is enough for one to immediately like (and dance to) the album. It showcases Wincy Ong’s commendable poetry backed with an upbeat tune. Other notable tracks on the album are Art School Lover (Death to Ordinary Girls) and Ellen. But you have to listen the the whole album because I guarantee that every song is a sweet tune to the ear.

Being an indie pop aficionado, you may judge me as bias for giving a two-thumbs-and-toes-up for this album. If there is one thing I love about indie pop music, it is the ability to give us music with killer melodies, sweet vocals, andbetter poetry.

This album deserves to be in your playlist. I recommend this on your car’s music box and iPods because this is a perfect music for long travels and unforgiving traffic conditions. Or just listen to it whenever you feel like relaxing. Or having a good time. Or being alone with nature.

Now where’s my piano? I must learn to play these songs.

Elsewhere:

Mga Librong Paparating na Hindi ninyo Dapat Palampasin

Sa darating na Sabado, ika-10 ng Setyembre, ay gaganapin ang kauna-unahang WIT: Visprint’s First Annual Reader’s Day. Anong ibig sabihin noon? Ewan. Pero sabi sa kanilang Facebook event ay magkakaroon sila ng exhibit ng mga obra ng kanilang mga artists, behind-the-scene revelations mula sa mga may akda, pa-seminar tungkol sa pagsusulat ng libro, pasilip sa mga iba pang aabangan nating mga libro na makakapagpaubos ng mga inipon nating allowance at savings, at as usual katulad ng iba pang event, at marami pang ibang sorpresa.

At balita ko nga, kung hindi ako nagkakamali, doon ipapasilip ang ika-siyam na libro ni Bob Ong. Nakasali ka ba sa kanyang pakulo sa Facebook at Google+ nitong mga nagdaang linggo?

Kilala natin ang Visprint dahil sa pagbibigay sa atin ng mga libro ng ating mga idolo na sina Bob Ong at Eros Atalia, ng ubod ng asteeg na Kikomachine Komix ni Manix Abrera, ang anthology tungkol sa Eraserheads na Tikman ang Langit, at marami pang iba.

Lubos akong nagagalak dahil sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng pagtitipon, muling nabubuhay ang hilig ng bagong henerasyon sa pagbabasa ng libro.

Pero bukod sa mga libro sa roster ng Visprint, na inaamin kong totoong nakakaubos ng aking ipon, mayroon pang ibang mga libro akong inaabangan bago magtapos ang taon na tiyak na ibabawas ko sa aking Christmas budget.

At narito sila, hayaan mong magbigay ako ng ilang kuwento tungkol sa kanila.

Anong sinabi ng Philippine Volcanoes at Azkals sa katawan ni Tado?

  • LIBRO NI TADO- Wala pang eksaktong pamagat pero hitsura pa lang, alam mong nakamamatay na ang ka-astigan. Matagal na akong fan ni Tado. Tagapakinig ako ng show nila ni Ramon Bautista at Angel Rivero na Brewrats simula pa lang noong day 1 nila sa radyo.

Noong mawala sila sa ere, inaamin kong na-miss ko si ang kanilang trio, especially si Tado lalo na ang kanyang bobonic English at ang mga malaman na banat. Kaya nang bumisita ako sa kanilang Facebook page (The Brewrats Republic), walang pagsidlan ang aking naging kaligayahan nang makita ko na magkakaroon ng libro si Tado mula sa PSICOM publishing.

Hinihintay ko ang pagkakataong muli kong makakakuwentuhan si Arvin Jimenez sa bawat pahina ng kanyang libro.

It's like Harper Lee's 'To Kill a Mocking Bird' - but it's an Angry Bird.

Katulad ng nasa teaser photo, tungkol din ito sa Pinoy Pop Culture ngunit mas malawak ang magiging saklaw at mas wasak ang humor – daw.

Lubos ang paghanga at pasasalamat ko sa PSICOM Publishing sa pagbibigay ng oportunidad sa ibang mga Pilipinong manunulat upang ang kanilang mga obra ay mabasa.

Sa wakas Ricky Lee! Sa wakas!

  • ASWANG (RICKY LEE) – Kung kayo ay nakapagbasa noong makapunit-lacrimal gland na nobela ni Ricky Lee na Para Kay B, nandoon sa likod na bahagi ang patikim tungkol sa kanyang susunod na nobela – angAswang, isang political satire tungkol sa isang baklang impersonator na nagiging manananggal.

Makailang ulit ko nang natapos basahin ang Para Kay B sa sobrang inip sa paglabas ng ikalawang nobela ng premyadong manunulat na si Ricky Lee. Huwag nang mangamaba. Sa darating na ika-27 ng Nobyembre, sa Skydome, SM City North EDSA, ilalabas ang Aswang.

Handa ka na bang makipag-wrestling kay Amapola? Para sa iba pang detalye tungkol sa librong ito, mangyari lamang na “i-like” ang pahinang ito sa Facebook,

______

Marami sa atin ang nahuhumaling sa pagbabasa ng libro ng mga banyaga tungkol sa mga wizard at witches, vampires, pakikipagsapalaran, giyera, kasaysayan, pag-ibig, at iba pa. Mabuti naman kung sa ganoon. Pero huwag sana nating isantabi at balewalain ang libro ng ating mga kababayan.

Kahit pa ang mga ito, ika nga ni kumpareng Soriano, ay nakasulat sa language of the streets and not of the learned.

Hindi ako sociologist at dalubhasa pero sa tingin ko, makakatulong sa pagkakaroon ng identity nating mga Noypi ang pagbabasa ng libro na nakasulat sa sarili nating wika, at sa mas mahaba pang patutunguhan, magiging susi ito sa ating kaunlaran.

Inaanyayahan kita ngayon na bumili at magbasa ng mga libro ng ating mga kababayan (Pare, wala kang mada-download na eBook ng mga yan). Suportahan natin ang lahat ng mga Pilipinong may hawak ng panulat!

Handa ka na bang magbasa?

Angels and Jejemons: Isang Pagsusuri (o Isang Mapagkunwaring Book Review)

Angels and Jejemons: Isang Pagsusuri (o Isang Mapagkunwaring Book Review) Isang disclaimer: Hindi ito libro tungkol sa mga anghel. Hindi din ito tungkol sa mga Jejemon. At hindi ito spoof ng nobela ni Dan Brown kaya’t hindi mo makikita ang Santo Papa na nagsusuot ng jejecap bilang kapalit ng kanyang Mitra. Isa itong aklat tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nasa Booksale ako kahapon sa SM CIty Calamba nang makapukaw ito sa aming paningin. Itinuro sa akin ng tatay ko ang librong ito na naka-display malapit sa may counter. Takaw-pansin ang libro dahil katulad ng illustration ng sikat na nobela ni Dan Brown - ang Angels and Demons.  Dahil mura ang aklat sa halagang 85 pesos, agad ko itong binayaran sa counter. At hindi naman ako nanghinayanhg sa pagbili. Puwede ng pagtiyagaan. Madali kong natapos ang aklat. 136 pahina lang kasi. Isang upuan lang, solb na ang kuwentuhan. Ang aklat, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nahahati ito sa ilang mga kabanata: mga patunkol sa pelikula, teleserye, artista, listahan ng mga kung-ano-mang-naisip-ng-may-akda, musika, basketball, at ilan pang mga random na bagay na pumasok sa isip ni Arnel Aquitania na isinulat upang maging bahagi ng aklat. Dahil nga patungkol sa Pinoy Pop Culture, makaka-relate ang mga mambabasa sa ilang mga bagay sa aklat na ito. Pero may mga item sa libro na kailangan pang i-Google ng kasalukuyang henerasyon dahil sa masyao na itong vintage o hindi na umabot sa panahon ng torrents. Kaya may mga parte na nagpapatawa na pala ang may akda, hindi ko pa rin ma-gets. Taglish at informal ang wikang ginamit sa aklat. Parang nagku-kuwentuhan lang kayo ng conyologs mong kaibigan. Nandoon ang witty na atake at paglalaro sa mga salitang ginamit. Kung alipin ka ni Bob Ong, malamang na sabihin mong “parang si Bob Ong ang istilo ng pagsusulat.” Ngayon pa lang itigil mo na ang pagbabasa ng artikulong ito at pumunta sa pinakamalapit na bookstore at pumunta sa Filipiniana section, halungkatin mo yung mga obra ng ibang Pilipinong manunulat. Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat ni Arnel Aquitania sa aklat na ito. Nandoon ang sarili niyang istilo sa pagku-kuwento na hindi maaaring ihalintulad sa ibang manunulat. Pinupuri ko din ang PSICOM Publishing sa pagbibigay ng pagkakataon sa ilan nating mga kababayang manunulat na mailimbag sa isang aklat ang kanilang mga obra. At naniniwala akong madami pa kayong matutulungan. At sana ay isa na po ako doon (shameless promotion). Sa bandang huli, nais kong iwanan sa inyo ang katagang ito: “Bob Ong may have stereotyped the writing style of some Pinoy writers but only a wide reader can break that notion.” (Pinag-isipan ko yan. Bawal nakawin.) Diyan na muna kayo. Baka kuyugin na ako ng mga fans ni Bob Ong. Padayon!

Cover pa lang. Catchy na. Sino ba naman ang hindi magiging interesado sa librong yan? Pero dapat pala, pinaniwalaan ko yung "Do not judge a book by its cover"

Isang disclaimer: Hindi ito libro tungkol sa mga anghel. Hindi din ito tungkol sa mga Jejemon. At hindi ito spoof ng nobela ni Dan Brown kaya’t hindi mo makikita ang Santo Papa na nagsusuot ng jejecap bilang kapalit ng kanyang Mitra.

Isa itong aklat tungkol sa Pinoy Pop Culture.

Nasa Booksale ako kahapon sa SM CIty Calamba nang makapukaw ito sa aming paningin. Itinuro sa akin ng tatay ko ang librong ito na naka-display malapit sa may counter. Takaw-pansin ang libro dahil katulad ng illustration ng sikat na nobela ni Dan Brown – ang Angels and Demons.

Binasa ko 'to noong College sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa Ontology at Epistemology. Hindi ko mabitawan sa sobrang ganda! #DanBrownIsEvil

Dahil mura ang aklat sa halagang 85 pesos, agad ko itong binayaran sa counter. At hindi naman ako nanghinayanhg sa pagbili. Puwede ng pagtiyagaan.

Madali kong natapos ang aklat. 136 pahina lang kasi. Isang upuan lang, solb na ang kuwentuhan.

Ang aklat, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nahahati ito sa ilang mga kabanata: mga patunkol sa pelikula, teleserye, artista, listahan ng mga kung-ano-mang-naisip-ng-may-akda, musika, basketball, at ilan pang mga random na bagay na pumasok sa isip ni Arnel Aquitania na isinulat upang maging bahagi ng aklat.

Dahil nga patungkol sa Pinoy Pop Culture, makaka-relate ang mga mambabasa sa ilang mga bagay sa aklat na ito. Pero may mga item sa libro na kailangan pang i-Google ng kasalukuyang henerasyon dahil sa masyao na itong vintage o hindi na umabot sa panahon ng torrents. Kaya may mga parte na nagpapatawa na pala ang may akda, hindi ko pa rin ma-gets.

Taglish at informal ang wikang ginamit sa aklat. Parang nagku-kuwentuhan lang kayo ng conyologs mong kaibigan. Nandoon ang witty na atake at paglalaro sa mga salitang ginamit.

Kung alipin ka ni Bob Ong, malamang na sabihin mong “parang si Bob Ong ang istilo ng pagsusulat.” Ngayon pa lang itigil mo na ang pagbabasa ng artikulong ito at pumunta sa pinakamalapit na bookstore at pumunta sa Filipiniana section, halungkatin mo yung mga obra ng ibang Pilipinong manunulat.

Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat ni Arnel Aquitania sa aklat na ito. Nandoon ang sarili niyang istilo sa pagku-kuwento na hindi maaaring ihalintulad sa ibang manunulat.

Pinupuri ko din ang PSICOM Publishing sa pagbibigay ng pagkakataon sa ilan nating mga kababayang manunulat na mailimbag sa isang aklat ang kanilang mga obra. At naniniwala akong madami pa kayong matutulungan. At sana ay isa na po ako doon (shameless promotion).

Sa bandang huli, nais kong iwanan sa inyo ang katagang ito: “Bob Ong may have stereotyped the writing style of some Pinoy writers but only a wide reader can break that notion.” (Pinag-isipan ko yan. Bawal nakawin.)

Diyan na muna kayo. Baka kuyugin na ako ng mga fans ni Bob Ong. Padayon!

Originally written and posted on 8 November 2010. Reposting because I am bored. And too burned out to write something new.