Putik

 

Ang awiting ito ay iniaalay sa mga naging biktima ng pananalasa ng Bagyong Ondoy. Maraming salamat Raimund Marasigan at Sandwich sa pagkatha nito.

 Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik) Nilamon ang lamesa, tv, radyo at sofa (putik) Alaala sa mga larawan (putik) Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik) Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik) Kinain ang kama, tukador, kabinet, sahig (putik) Ubos ang mga sapatos at damit (putik) Libro, kompyuter, cd, gitarang di maipagpapalit

Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik) Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik) Nagpatong-patongg trak, jepney at kotse (putik) Buong bayan nagkulay tsokolate (putik) Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip Inalay ang sarili at lumusob sa panganib Buti na lang naiakyat si lola Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya

Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Nagunaw ang mundo

Isa sa mga hindi makakalimutang tahedya ng kasalukuyang henerasyon ay ang pananalasa ng Bagyong Ondoy. Maraming nasalanta. Mayaman man o mahirap, dukha man o  burgis, may sinasabi sa buhay man o karraniwang tao. Walang pinatawad.

image

Sinasabing kasalanan din naman ng tao kung bakit lumala ng ganoon ang sitwasyon. Nagsisisihan. Nagtuturuan. At may isang Kakandidato sa Pagkapangalawang Pangulo ang umako ng responsibilidad (Clue: Si Pink Ranger ang alter ego niya.)

Pero higit sa lahat, mas hinangaan ko ang mga Kababayan kong nagtulungan at nagdamayan pagkatapos ng trahedya. Mula sa mga rescue workers, mga kapwa nasalanta ng Bagyo, hanggang sa mga volunteers na nagre-repack ng relief goods.

Nagunaw man ang mundo. Alam kong babangon pa rin tayo. Ngunit sana ay may mga aral tayong natutunan upang kung hindi man maulit muli, tayo ay maging handa. Padayon!

P.S. Kasalukuyang nananalasa si Pedring. Ang ganda din naman ng timing ano? Eksakto sa second anniversary ni Ondoy. Mag-iingat tayong lahat! At huwag sana muling magunaw ang mundo.

Photo courtesy of jaypeeonline.net

Ano ang “Kuwentong Ondoy” Mo?

September 26, 2009

“Sa ibabaw ng bubong, nakita kong nagunaw ang mundo..” – Putik, Sandwich

Sabado noon. Walang pasok. At dahil malamig ang panahon dala ng bagyo, pinili kong “mag-extend” ng tulog. “Lilipas din ang bagyong ‘yan”, sabi ko sa sarili ko. At hindi naman siya categorized as a super typhoon ayon na rin sa PAGASA.

Wala pa tayong alam noon na kung anong inihina ng hangin, ganoon namang kadami ang ulan na dala nito. Hindi natin yun alam. Wala daw kasi tayong Doppler Radar.

Maagang umalis noon ang tatay ko dahil may meeting siya sa Calamba City. Ang aking kapatid na sumunod sa akin ay nasa Seminaryo. Kaya’t kaming tatlo lamang ng Nanay at ng bunso kong kapatid na babae ang natira sa bahay.

Nang bumangon ako para mag-almusal, binuksan ko ang TV para manood ng mga pambatang palabas sa umaga ng Sabado. Sa halip, ang ang aking nakita ay ang mga Flash Reports at News Updates tungkol sa ilang mga lugar sa Kamaynilaan na binabaha.

“Normal lang yan”, sabi ko sa sarili ko. Ano pa ba ang bago sa Maynila? Ano pa ba ang bago sa mga kalapit na lunsod? Umihi lang ang isang dosenang lasing, babaha na. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga balita. Bumalik na lang ako sa kuwarto para mag-sound trip habang ninanamnam ang malamig na panahon dala ng bagyo.

Dumating ang tanghalian. Kumain kaming mag-iina. Hindi pa naman nawawalan ng kuryente kaya’t binuksan ko ang telebisyon para manood ng paborito kong Eat Bulaga. Maganda ang production number sa simula ng programa. At as usual, pagkatapos ay may patalastas. Pero napansin kong medyo mahaba yata kumpara sa karaniwan ang naging patalastas ng programa. At ng bumalik sa ere ang Eat Bulaga, ipinalabas ang episode noong nakaraang Sabado tungkol sa pagpaparangal sa “Fantastic 4” ng namayapang Pangulong Cory Aquino.

Inilipat ko ang telebisyon sa kabilang istasyon para manood ng Wowowee. Kataka-takang wala si Willie “Papi” Revillame. Nandoon lamang ang kanyang mga co-hosts. Nalaman ko na lamang pagkatapos na stranded sa kalsada si Willie dahil sa matinding pagbaha.

Walang regular na programming sa telebisyon. Ang Startalk, imbes na puro chismis lang ang mga balita, ay naging seryosong balita na rin tungkol sa mga (artista at) mga kababayan nating sinasalanta ng bagyo. At nang mag-hapon pa ay sunod-sunod na ang mga balitang pumapasok tungkol sa pananalasa ng bagyong Ondoy.

Photo Source

Lubog ang Marikina. Lubog ang Sumulong highway paakyat ng Antipolo. Kahit mga subdivision at village ng mga burgis ay hindi pinatawad. Libo-libo ang stranded at sumilong sa mga LRT stations. Nasa bubong si Cristine Reyes. Na-trap ang mag-inang Jenica at Jean Garcia. At libo-libong Pilipino ang nakikipagpatintero kay kamatayan.

Agad kong tinext ang Tatay ko na noon ay nasa Calamba. Hindi nag-reply. Dapat ay hanggang tanghali lang ang meeting niya doon. At eksakto lang ang perang dala niya para sa pamasahe. Nag-aalala kasi kami na baka hindi siya makauwi. Sa Bucal at Pansol kasi sa Calamba, magbawas lang ng tubig ang isang resort, bumabaha na.

Nang mabalitaan kong lubog na ang halos buong Metro Manila, agad kong kinumusta ang aking mga kakilala at kaibigan. Tinext ko ang aking mga pinsan sa Quezon City. Okay naman daw sila kahit bumabaha. Safe pa rin dahil apat na palapag ang kanilang bahay (lupet!). Tinext ang aking kaibigan sa Fairview, okay naman daw sila pero nabigla daw siya dahil ngayon lang binaha ang kanilang lugar ng ganoong kataas.

Noong mga panahong iyon, nagtatrabaho ako sa Lipid Research Unit sa Philippine General Hospital sa Taft Avenue at madami sa aking mga kasamahan (na karamihan ay mga Nurse), ay mga taga-Metro Manila. Ang isa ay taga-Marikina. Tinext ko din siya at tinanong ang kanilang kalagayan. Medyo may katagalan bago siya nag-reply ngunit mabuti na lang at ayos naman siya at ang kanyang Pamilya. Ang isa ay na-stranded sa kanyang boarding hose sa may Leon Guinto. Ang isa ay na-trap sa second floor ng kanilang bahay at doon na lang daw sila nagluluto at kumakain.

Sumapit na ang dilim. Hindi pa din dumadating ang Tatay ko. Wala kasing makadaang jeep sa may highway dala na din ng baha sa may Pansol at Bucal. Ang isa niyang option para makauwi ay ang pumunta ng Tanauan at doon ay sumakay ng biyaheng San Pablo at saka sumakay ng pabalik dito sa Los Baños (Samakatuwid, iikot siya sa kabilang parte ng Mt. Makiling). Pero dahil eksakto nga lang ang pera niyang dala, hinintay niya na lang na medyo humupa ang baha. Masuwerte naman na may bus na dumaan na biyaheng Santa Cruz kaya’t kahitstanding ovation at siksikan, sumakay na din siya. At dahil siksikan, hindi maiiwasang may mga mananamantala. Kuwento ng Tatay ko na meron daw mga kababaihang sumisigaw na hinihipuan sila. Wasak.

Nakauwi ang Tatay ko ng bandang alas-diyes ng gabi. Hindi pa nanananghalian. Hindi pa naghahapunan. Pero nagpapasalamat pa rin kami na nakauwi siya nang maayos.

Masuwerte pa rin kami dahil hindi kami masyadong naapektuhan dito sa Los Baños. Dalangin ko na lang noon na sana ay walang masyadong mapahamak at nawa ay gabayan sila ng Maykapal.


Photo Source

Binuksan ko ulit ang telebisyon at muling nakibalita. Nagmistulang water world ang mga lugar na binaha. Alam kong simula pa lang ito ng kalbaryo ng mga taong nasalanta. Sa paghupa ng baha ay ang putik na babalot sa kanilang mga ipinundar na ari-arian. Pero alam kong matapang ang mga Kababayan ko, magtutulungan at magdadamayan, at hindi basta-bastang susuko.

Ikaw? Ano ang kuwentong Ondoy mo?

_________

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng hagupitin tayo ng bastardong anak ni Inang Kalikasan. Pero ano na nga ba ang nangyari? May natutunan na ba tayo?

Base sa napapansin ko, medyo natuto na ang mga Noypi na maghanda sa sakuna. Alam na natin ngayon na walang pinipili ang bagyo – mayaman o mahirap, burgis o dukha, Panginoong may lupa o hampaslupa. Wala. Olats lahat kapag dumating na ang sakuna.

Simula nang mangyari ang Ondoy, natuto na tayo ng emergency evacuation plans, paghahanda ng mga pagkain, pagtatago ng mga mahahalagang dokumento at gamit, at pagba-backstroke at breast stroke kung sakali mang bumaha muli.

Pero ano na ang nangyari sa mga pinagmumulan o sanhi ng baha? Hayun, barado pa rin. Isang malaking septic tank pa rin ang ating mga estero at ilog. Dumpsite pa rin ang mga kanal at flood ways. Na kahit walang bagyo, na kahit thunderstorm, habagat, o pagluha lang ng mga tao sa pagtatapos ng 100 Days to Heaven, bumabaha na.

Oo nga’t handa tayo sa pagbaha, pero yung mismong sanhi ng pagbaha, hindi pa rin nasosolusyunan. Kaya kapag dumating na naman ang mala-Ondoy na bagyo, sabay-sabay na namang makikipag-water polo kay kamatayan ang ating mga kababayan.

At mapapakamot na naman si Architect Jun Palafox dahil hindi pa rin pinakinggan ang paulit-ulit niyang rekomendasyon tungkol sa urban planning ng Kalakhang Maynila.

Kung tutuusin, madali lang naman ang solusyon. Iyong simpleng natutunan natin sa GMRC noong Elementarya na pagtatapon ng basura sa tamang tapunan; iyong natutunan natin sa Agham na pagbubukod ng biodegradable at non-biodegradable; at iyong simpleng nababasa natin sa mga signage na ginawa ng ating mga butihing SK Federation na Tapat Mo, Linis Ko, makakapagsalba na ng buhay natin.

Ondoy. Naging synonym na niya ang delubyo, matinding pagbaha, at sakuna. Maaaring mas naging handa nga tayo ngayon sa sakuna pero kung iyong mismong sakuna – na puwede namang maiwasan (o mabawasan ang pinsala) – ay wala pa rin tayong ginagawang aksyon, dadating ulit ang panahon, huwag naman sana, na magkakaroon ulit tayo ng isa pang bagyo na baka mas mabagsik pa sa iniwanan ni Ondoy.

Pero kung ano man, alam kong magtutulungan pa rin ang aking mga Kababayan at mabubuhay muli ang espirito ng Bayanihan. Sabay-sabay mulit tayong babangon. Padayon!

Nevermind at Twenty

Today, September 24, marks the 20th anniversary of the releasing of the seminal and revolutionary album Nevermind by Nirvana. This album, which ousted Michael Jackson’s Dangerous on the top of the Billboard charts, not only popularized the Seattle grunge movement but also brought alternative rock is a whole into the mainstream.

This album started it all during the time when the airwaves and the charts were dominated by the elite popular music. This also became the soundtrack of a whole generation of music fans in their twenties, a sound of revolt, and an uprising of the whole generation of young men and women who wanted to get out and express themselves. To quote Michael Azerad, author of the book Come as You Are: The Story of Nirvana, Nevermind came along at exactly the right time. This was music by, for, and about a whole new group of young people who had been overlooked, ignored, or condescended to.”

The album was so influential, it is still considered today as the album that changed the course of music history. It is also listed at number 17 by the prestigious Rolling Stones Magazine as one of the 500 Greatest Albums of all time.

If you know your local music history, then you probably know that our very own Eraserheads emerged and became popular in the mainstream during the height of the grunge revolution in the US. And I think that both bands came out just in time of the cultural and youth revolution for both countries during the nineties.

I was two years old when this album was released so obviously, I was not able toexperience the grunge revolution of the early nineties. But during the advent of mymusical exploration, I think I was about six years old then, this particular song was carved into my memory as one of the best songs to scream your lungs out, to jump, and to grohl (pun intended) until your throat wears out:

And I was not wrong. Today, I still sing/scream this song on the videoke whenever I am wasted and drunk. In fact, this is my favorite may-amats-na-ako-pare song. No, not Sinatra’s My Way. The song’s fatal in this country.

In celebration of Nevermind’s 20th year, I searched the internet for interesting finds about Nevermind and Nirvana. Here are some of them:

It has been twenty years since the album was released. It has been 17 years since Kurt Cobain died. The group may have disbanded but their music is still alive in the hearts and minds of fans. And Nevermind is still a revolutionary album inspiring millions.

Can today’s music heroes beat that? I don’t think so.

That is influence for you.

Losing my Religion

Today is the day when I lost one of my religions.

Music. Great music.

This song was one of the first songs that I learned to play in the guitar (Though I have to confess that Eraserheads’ Ang Huling El Bimbo and Extreme’s More than Words fueled my passion to play the instrument). With its simple Am-Em-Dm-G chords on its verse, I felt the Peter Buck and Michael Strap within me, singing my lungs out without understanding, young as I was then, the true meaning of the song.

The song was catchy and easy to play in the guitar. And that was what mattered to the six-year old me.

As I grow older, and thanks to the advent of modern technology and my sleepless nights with my trusty transistor, I learned more from this band.

And it broke my heart when I learned that they have disbanded. Or retired, if that would be the proper word to describe it.

image

After 31 years in the business and 15 albums, R.E.M., the Southern rock band hailing from Athens, Ga., announced Wednesday morning on its website that it is calling it quits. In a brief statement, the band writes:

“As R.E.M., and as lifelong friends and co-conspirators, we have decided to call it a day as a band. We walk away with a great sense of gratitude, of finality, and of astonishment at all we have accomplished. To anyone who ever felt touched by our music, our deepest thanks for listening.”

As I read through some of the online articles from different news agencies about the band’s breakup, there is a rumor that an alleged label politics influenced the band’s decision. Yeah, that same corporate bullshit that hinders the artist’s freedom and destroys the careers of hundreds of great artists and musicians.

Let’s just keep politics out of music, shall we?

Thank you for the music. Thank you for the inspiration to pick up my guitar. Thanks for the memories.

Today is the end of the world as we know it. I have played great music with the man on the moon after losing my religion. Good night, the sidewinder sleeps tonite. So long, R.E.M.!

(Read more from the Los Angeles Times)

Batas Militar: Mga Kuwentong may Kuwenta

“As of the 21st of this month, I signed proclamation number 1081 placing the entire Philippines under Martial Law..”


1972 noon. Iyan ang mga katagang binitawan ni Apo sa pagde-deklara ng Batas Militar. Hindi pa ako buhay noon. Hindi pa magkakilala ang mga magulang ko at hindi pa nila ako ginagawa noon. Tanging mga kuwento lang ng aking mga guro, tatay, at ilang mga miron sa kanto ang “karanasan” ko sa Martial Law.

__________

Una akong namulat sa mga kuwento noong ako ay Grade 3. High School noon ang ate ko. At gumagawa siya ng report para sa kanyang project sa History tungkol sa Martial Law. Kailangan niyang kapanayamin ang mga taong may karanasan sa Martial Law.

Ang natatandaan kong kuwento ay ang karanasan ng aming kapitbahay na isang guro. Buntis daw siya noon at nandito sa may crossing sa may Junction (Los Baños). Sapilitan daw pinadapa ang lahat ng mga sundalo ang lahat ng mga nandoon sa Petron (Jollibee na ngayon) para arestuhin ang mga nagpo-protesta. Pero dahil siya daw ay buntis, pinakawalan daw siya ng mga sundalo.

_________

Medyo “light” naman ang kuwento ng Tatay at ng Lolo ko. Hindi naman daw nila masyadong ramdam ang presensya ng mga sundalo. Ang pinagkaiba lang, ang mga curfew na ipinapatupad noon.

Kung nabuhay siguro ako noong mga panahong iyon, malamang, ilang beses na akong inaresto ng mga PC at ng mga sundalo. Pero punyeta, mambabasag muna ako ng bote ng beer sa ulo ng isa sa kanila bago nila ako maaresto.

__________

Isa pang medyo nakakatuwang kuwento na narinig ko ay tungkol kay Ariel Ureta, isang artista at TV host noong mga panahong iyon.

Medy binaboy (teka, ‘biniro’ na lang, baka magalit sa akin ang mga baboy) daw ni Ureta ang  Bagong Lipunan na inilunsad ni Macoy at Imelda. Iyong “Sa ikauunlad ng bayan, dissplina ang kailangan”, naging “Sa ikauunlad ng bayan! Bisikleta ang kailangan!”. Kaya hayun, pinag-bisikleta daw si mokong sa Camp Crame hanggang sa lumaylay ang dila.

Alam kong medyo pamilyar ka sa mga linyang iyan dahil isa yan sa mga awitin ng Radioactive Sago Project na ang bokalista at ang Propeta ng makabagong panahon at idol ng mga kids, si Lourd Ernest Hanopol-De Veyra.

__________

Ilan lamang iyon sa mga natatandaan ko noong bata ako. Hindi ko naman kasi binigyan noon ng importansya dahil may sarili akong project na inaatupag. At sa tingin ko noon, ang martial law ay “usapin lamang ng matatanda.”

Namulat na lang ako sa ibang mga kuwento nang ako ay tumungtong sa High School at sa Kolehiyo. Nakapanood ako ng mga dokumentaryo at nakapakinig ng iba pang morbid na mga kuwento. At napanood ang pelikulang “Dekada 70” – halaw sa nobela ni Lualhati Bautista.

Pero ang isang hinding-hindi ko makakalimutang kuwento ay kung paanong ang isang kakilala ay naging biktima ng torture noong Batas Militas. Isang bakal (o rod) na hinango sa nagbabagang uling ang pilit umanong ipinasok sa butas ng kanyang ari (o siya, titi na). Halos mamatay na daw siya sa sobrang sakit (Sino ba naman ang hindi?)

__________

Talumpu’t siyam (39) na taon na ang nakakalipas mula nang ideklara ni Macoy ang Martial Law at dalwampu’t limang (25) taon na mula nang ma-laser sword ang diktaturya ni Marcos. Pero ano na nga ba ang nangyari?

Bukod sa nalaman na natin sa wakas ang kinahinatnan ng magkakapatid na Armostrong, ng Camp Big Falcon, at ni Prince Zardos, ano na kaya ang nangyari sa libu-libong pinatay, pinahirapan, ginahasa, at nawala na parang bula noong panahon ng Batas Militar? Naibigay na ba sa kanila ang hustisya?

Ano na ang nagyari sa mga sapatos ni Iron Butterfly? Nasaan na ang mga diumano’y kinamkam na yaman ng kanilang pamilya? Totoo bang ayon kay Imelda ay naghihirap na ang kanilang pamilya ngayon? Totoo bang napatay si Bongbong Marcos sa Inglatera at ang Bongbong na nakikita natin ngayon ay inampon na lamang bilang kapalit niya?

Naging magkarelasyon ba talaga si Muammar Gadaffi at Imelda? Ewan. Pero ang alam ko, kinikilabutan ako sa sex tape ni Macoy at Dovie Beams habang pinapatugtog ang Pamulinawen (Panis ang Careless Whisper!).

May katotohanan ba ang mga lumulutang na conspiracy videos na magkasabuwat si Ninoy at Macoy? Mas mahusay nga bang Pangulo si Macoy kumpara sa lahat nang pinagsamang iba pang mga naging Pangulo ng ating bansa? Exaggerated nga lang ba ang banta ng Komunismo at ng mga rebeldeng Muslim? Si Mcoy nga ba ang may pakana ng mga pagsabog sa Plaza Miranda at iba pang bahagi ng Maynila?

Madami pang mga katanungan. Pero iisa lang ang sigurado ako. Umamin si Manong Johnny na peke lang ang assassination attempt sa kanya noon.

At Senador pa din siya ngayon. Meynteyn!

__________

E ano naman ngayon kung nagkaroon ng Martial Law noon? Ano naman ang pakialam natin doon? Tapos na iyon. Move on, let go.

Gago!

May mga bagay sa nakaraan na naghuhulma kung ano ang meron sa kasalukuyan. May mga bagay sa nakaraan na siyang nagbibigay sa atin ng mga aral sa kasalukuyan upang ito ay hindi na maulit muli.

Masuwerte tayong mga namuhay sa kasalukuyang henerasyon. Walang curfew. Walang nagre-renda. Walang diktador. Malaya kang mag-Tumblr. Malaya kang mag-inom sa mga bar. Malaya kang mag-drive ng lasing hanggang sa mabangga ka sa barikada ng MMDA.

Kalayaan.

Pero isa din yan sa inaabuso ng karamihan.

Kaya nagkakagulo.

Kaya may karahasan.

Ayoko ng mag-sermon. Ang mahalaga ay ating gunitain ang araw na ito at manalangin na sana ay makamit na ng mga biktima ng pang-aabuso sa ilalim ng Batas Militar ay makamit na ang hustisyang ilang dekada ng inaasam.

At sana ay huwag ng maulit muli.

Amen.

1. Ang larawan sa itaas ay nagmula sa GMAnews.tv
2. Para sa iba pang kuwento tungkol sa Batas Militar, maaaring panoorin ninyo ang dokumentaryong “Batas Militar” sa link na ito. At sa mga estudyante, panoorin niyo yan. Para hindi na kayo magtanong ng assignment.

“Muli”

Eight months ago, I lamented Ebe Dancel’s departure on Sugarfree. His tweet came both as a surprise and a puzzle to all the Sugarfree fans. During that time, it was still uncertain if the band would still continue with its remaining members Jal Taguibao and Kaka Quisumbing or if Ebe Dancel would pursue a solo career.

Sugarfree is one of my favorite bands. They were with me during my struggling years as a student. Their songs were my theme songs of living, heartbreaks, and growing up. Their breakup would be like a loss of something special to me.

Fast forward to March 1, 2011, at the Eastwood Central Plaza, they finally bid us goodbye on their Paalam Pilipinas concert. That was the end of an era and at the same time, a beginning of something new for music fans.

Last August 1, five months after Sugarfree’s farewell concert, Ebe Dancel released Dalawang Mukha ng Pag-ibig, his debut album as a solo artist. For a limited period of time, the album is available on a 2-CD release.

image

The album’s carrier single is Muli. Personally, I love the music video’s catchy Source Code-ish concept and the lovely and beautiful leading lady. I don’t know if I am being subjective but I think Ebe’s latest single (together with his songIkaw ang Aking Tahanan on the Rock Rizal compilation) is different from other Sugarfree songs he made with Kaka, Mitch, and Jal. I have yet to listen to his album (Blame my personal financial crisis. And I don’t want to freakin’ illegally download the album.) so I might be wrong.

And yes, I am encouraging you to buy the original, most especially the works of our local artists. We do not want to see them selling kuwek kuwek for a living because they got bankrupt because of piracy. Let us buy the original so they can create good music. It’s justice and mutualism for cryin’ out loud! So let’s do our part, shall we?

We may never see the trio perform together again but with Ebe Dancel’sressurection on the music scene, I am optimistic that Kaka and Jal will do the same. I have repeatedly preached in the past that the band is bigger than any of its member. Ebe Dancel may be the chief songwriter of the trio but I think Jal and Kaka are also equally talented as Ebe. Kaka and Jal created the less popular but equally good tracks such as Martir, Patawad, Get Over It, Where do we Go?, and Form Factor .

Ebe Dancel has released his debut album and has returned to the music industry. I am still patiently waiting for my other heroes Kaka Quisumbing and Jal Taguibao to do the same.

And, I know this may sound impossible, but I want to see Sugarfree perform together again. Who knows? The Eraserheads reunion is said to be too impossible to make but it happened, right?

Ang gusto ko lamang ay muling makita sina Ebe, Jal, Kaka, at Mitch na tumutugtog sa isang entablado.

Muli.

The Day that Changed the World

It was September 12, 2001, Wednesday, here in the Philippines.

I was 12 years old then, a freshman in high school at St. Francis de Sales Minor Seminary, Lipa City. It was 5:45 in the morning and we were on our way to the chapel for our daily morning prayers when we saw a copy of the Philippine Daily Inquirer on the doorsteps of our Priests’ common room. And on the front page, it read:

Terrorists hit U.S.

 

image

I was lucky to find a September 11, 2001 front page image on the Inquirer archives.

 

And on the front page, the picture of the World Trade Center being engulfed by flame and smoke. I remember one of my older brother then saying “Mali ang bansang kinalaban nila” (They fought the wrong country). We did not read the whole story for we have to attend to our usual schedule which is morning prayers/ lauds and meditation. And on the Holy Mass after our meditation, the officiating Priest, in his homily, relayed to us the sad story that shocked the whole world.

We do not have access on television in the minor seminary during weekdays so our teachers spent at least 15 minutes of our lecture time to tell us how 2 planes crashed at the World Trade Center and raze it to its foundation, on how some of the victims at the building jumped to their death in desperation, on how one of the plane crashed at The Pentagon, and on how one of the planes crashed somewhere in Shanksville, Pennsylvania near Pittsburgh.

I was only able to watch the video of the ill-fated Twin towers on the replays and features on the television when I got home on the last Friday of September 2001, our usual schedule of our monthly home visit.

I was 12 years old back then. I was a freshman in the High School Seminary. And young as I was back then, I grieved together with the whole world on that tragic day, and prayed for peace and for the bereaved families of the victims.

Today, the whole world commemorates the 10th year anniversary of the tragedy that struck America and the event that changed the world. In lieu of this, I have been watching 9/11-related clips from YouTube during my free time since last week. I have also re-watched, for the umpteenth time, United 93, a movie about the passengers of the fourth hijacked plane bound to Washington DC who fought the hijackers on board.

I have seen news clips from various news agencies and amateur footage of the second plane hitting the world trade center. I have also watched conspiracy flicks saying that World Trade Center is a controlled demolition; that a missile actually hit The Pentagon and not the 3rd plane; that United 93 was shot down by a fighter jet and not the popular account that her passengers were the ones who fought with the hijackers; and that the Unites Stated government was behind the September 11 attack to launch a war against Afghanistan and neighboring countries.

As much as the conspiracy videos are convincing and I am a big fan of stories of conspiracy, I did not dwell much on them nor immediately believe their supposedly hidden truth by the government. I just searched for other clips of stories of heroism (of the firefighters, policemen, ordinary civilians,and rescue workers) and resilience.

Watching GMA News TV one morning, I saw a promo of an upcoming Philippine premiere of the September 11 documentary The Day that Changed the World. It will be shown today, September 11, in commemoration of the tragedy’s 10th anniversary (back to back with another documentary, The Death of Osama Bin Laden).

I searched the web to find more information about the documentary. A blogger/ reviewer promised that if you are lost on choosing among 50 other September 11-related documentaries, then this will be the right and complete documentary for you. It is all bout the events of the day that changed the world, no more, no less.

I learned that it was already shown in the United States and a user has already uploaded it on YouTube. I was too lazy to watch the 6-part video on YouTube so being a torrent junkie that I am, I decided to, er, download it. I am also planning to save this for future consumption of the future generation.

The documentary did  not disappoint me. It showed the events and only the events on that fateful day. On how it started just like any other ordinary day in New York; on how two commercial airplanes hit the twin towers of World Trade Center; on how the third plane crashed into the Pentagon; on how the fourth plane crashed into Shanksville, Pennsylvania; on how New York City Mayor Rudy Giuliani served as a hope for the Yankees; on how the aviation authority and the Air Force do their job to control the United States air space; on how Vice President Dick Cheney managed the situation in the White House bunker; and on how President George W. Bush was held inside the Air Force One for security reasons.

The documentary also shows accounts by the White House personnel, the media men who were with President Bush during that day, and some of the persons involved on the rescue, search, and retrieval during and after the incident. The only part of the documentary where I had a hard time watching was about the helpless individuals who, in desperation, jumped off to their death from the World Trade Center. They are now more popularly known as jumpers. The sound of the bodies hitting the ground is just so weakening.

All in all, the documentary was true to its title. It just about that tragic day, September 11, 2001, from morning until midnight. No conspiracies. No other agenda. It is just about the tragedy and the heroes who emerge from it. Considering that I had no access on news and television ten years ago when this tragedy happened, some of the parts and details were a surprise to me.

Today, we commemorate the 10th year of the tragic day that changed the course of history. The day that changed the lives of millions of people. And the day that changed the world.

I am now inviting you for a moment of silence to give respect to the people who have died, most especially to our 10 kababayans who also perished that day.

And let us hope that this tragedy will never happen again. Never again.

Elsewhere:

1. You can watch the documentary ‘The Day that Changed the World’ on YouTube by clicking this link

2. The Philippine Daily Inquirer reused their September 11,  2001 front page as their front page today in commemoration of the 10th anniversary of 9/11.